Ibinahagi ni Angel Locsin sa Instagram ang nakabibigla niyang karanasan nito lang Huwebes ng umaga, ika-23 ng Disyembre.
Hindi niya inaasahan na bubulaga sa kanya ang isang ahas na nasa loob ng chicken coop nila.

Image from Angel Locsin
“Found this sneaky creature inside my chicken coop,” caption niya sa larawan ng isang ahas na nasa loob ng chicken coop.
Agad daw siyang humingi ng tulong sa mga opisyal ng kanilang barangay upang maibalik ang ahas sa natural environment nito.
“Asked for barangay assistance na mailagay sa environment niya,” sabi pa ni Angel.
Aniya, daig raw ng gulat ang pag-inom ng kape sa umaga.
“Gulat in the morning beats coffee in the morning,” anang aktres na kilala sa pagiging pilantropo.
Kamakailan lang, kumalat ang ilang larawan ni Angel nang magtungo siya sa isang volunteer center sa Quezon City ng presidential aspirant na si Vice President Leni Robredo at running mate niyang si Senator Kiko Pangilinan upang magpaabot ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.
“Look: Kapamilya star Angel Locsin arrives at the Leni Robredo-Kiko Pangilinan headquarters in Katipunan, QC to give aid for victims of Odette,” ayon sa Twitter post ng isang field reporter mula sa ABS-CBN.

Image from Twitter
Pinuri naman siya ng mga netizens dahil sa pagiging bukas-palad sa mga taong nangangailangan ng tulong.
“Our Darna to the rescue.”
“Thank you, our Darna.”
“Anghel sa lupa. Si Darna yarn. Thank you. Napakabuti mo. God bless you more, Angel Locsin.”
Ibinulgar naman ni Kris Aquino ang halaga ng donasyong ibinigay ni Angel para sa mga Odette victims, sa pamamagitan ni Vice President Robredo.

Screenshot from a Twitter video
“Nagbigay po si Angel Locsin ng two million pesos kay VP Leni para po ipantulong sa lahat ng nasalanta,” lahad ni Kris Aquino sa isang video na ibinahagi ng isang netizen.
Isiniwalat din ni Kris na matagal na silang magka-tandem ni Angel Locsin sa tuwing may kalamidad. Araw-araw umano silang nag-uusap kung paano makatutulong.