Marian Rivera, sinabing si Urvashi Rautela mismo ang lumapit para magpaturo ng "Sabay Sabay Tayo" dance steps

Ikinuwento ni Marian Rivera ang istorya sa likod ng pagsayaw nila ng Bollywood actress na si Urvashi Rautela; ang kapwa niya judge sa katatapos lang na 70th Miss Universe pageant.

Matatandaang nag-viral ang video nila ni Urvashi Rautela na nagsasayaw habang naghihintay ng pagsisimula ng preliminary round ng Miss Universe pageant na ginanap sa Israel.

Image from Marian Rivera

Nagulat daw siya nang lapitan siya ng Indian actress at nagpaturo ng dance steps ng “Sabay Sabay Tayo,”

“Ang nakakatawa kasi roon, sabi niya sa akin, ‘Can you teach me your dance steps?’ Sabi ko, ‘What are you talking about?’ Sabi niya, ‘Your Sabay-Sabay!’” natatawang kuwento niya.

“So tawa ako nang tawa. Kaya noong nasa stage kami, sabi niya, ‘Let’s dance’. Sabi ko, ‘Okay, let’s dance Sabay-Sabay Tayo’. Kaya nag-dance kami kasi siya mismo, sinabi niya sa akin ‘yon na sumayaw raw kami,” dagdag pa niya.

Sa totoo ay alam na raw ni Urvashi ang kantang “Sabay Sabay Tayo” at ang dance steps niyon. Siguro raw ay nag-research muna ito tungkol sa kanya dahil magkakasama sila bilang mga hurado ng Miss Universe pageant.

Ayon pa kay Marian, hindi lang si Urvashi ang nakasundo niya kundi ang lahat ng judges kabilang sina former Miss Universe Iris Mittinaere, Supermodel Adriana Lima, entertainment host Adamari Lopez, entrepeneur-model Lori Harvey, at American actress na si Rena Sofer.

Aniya, kahit tapos na ang kompetisyon ay may communication pa rin daw sila.

Image from Marian Rivera

“Sobrang grateful ko na makasama ang ibang kasama kong judges. Napaka-down-to-earth, napaka-humble to the point na naging kaibigan ko sila. So kahit na tapos na ang Miss U, may communication pa rin kami. Nag-uusap-usap pa rin kami,” kuwento pa ni Marian.

Sinabi  pa ng aktres na personal siyang kinausap ng President ng Miss Universe Organization  na si Paula Shugart at may mga realizations daw siya kaya naiba ang pananaw sa beauty pagkatapos ng judging stint niya.

“Oo, e. Kasi, hindi ko makakalimutan ‘yung sinabi sa akin ni Ms. Paula, na ang sabi niya, ‘Marian, ang hinahanap natin sa Miss Universe ‘yung kaya niyang dalhin ‘yung sarili niya. Na kailangan kapag ginagawa niya ang isang bagay, masaya siya.”

Image from Marian Rivera

Basahin: Co-judge sa Miss U tinuruan ni Marian Rivera ng “Sabay Sabay Tayo” dance steps

Post a Comment

Previous Post Next Post