Awra Briguela masayang napagtapos ang kanyang ama sa kolehiyo

Proud at masayang ibinahagi ng 17-anyos na aktor-comedian na si Awra Briguela na napagtapos niya ang kanyang ama sa kolehiyo!

Awra’s Haven

Sa isa niyang video sa YouTube ay ibinahagi ng celebrity host na si Karen Davila ang kanyang pagdalaw sa new haven ng multi-talented na si McNeal Briguela na mas kilala bilang si Awra Briguela.

Screenshot mula sa YouTube video ni Karen Davila

Aniya sa caption, “RAGS TO RICHES ang kuwento ng buhay ng child superstar na si AWRA! Lumaki sa aniya’y ‘squatter area’, pasukin natin ang bonggang bahay ni Awra sa isang subdivision. Magaling siya sa pera, maabilidad, madiskarte at napagtapos pa nya ng KOLEHIYO ANG KANYANG AMA! Awra opens up her home, her closet and how she healed from a broken heart!”

Masigla siyang sinalubong ni Awra sa gate ng bagong bahay at tinour siya nito sa buong kabahayan. Nakilala rin ni Karen ang iba pang miyembro ng pamilya ni Awra.

Doon ay nakilala at nakausap rin ni Karen ang tatay ni Awra at kabilang sa kanilang napag-usapan ay ang pagbabalik ng huli sa pag-aaral kung saan nagsimula siya sa unang taon sa kolehiyo at ang pagtulong ng anak niyang si Awra upang matapos niya ang kurso. Para kasi sa kanya, mahalaga kapag nakatapos ka.

Screenshot mula sa YouTube video ni Karen Davila

Sa kabila ng reyalidad na nagkahiwalay ang kanyang mga magulang, naroon ang kasiyahan kay Awra pagkat nakalalabas pa rin naman umano silang mag-anak nang magkakasama.

Matatandaan na si Awra Briguela ay unang nakilala nang mag-viral ang kanyang mga videos sa social media. Dahil doon ay na-invade na niya ang showbiz world sa tulong ng mga sikat nang personalidad gaya nina Vice Ganda at Coco Martin. Nagbukas sila ng mga oportunidad na hindi naman sinayang ni Awra kaya’t naipamalas niya ang mga kaya niyang gawin.

Napabilang siya sa cast ng FPJ’s Ang Probinsiyano  ni Coco Martin at sa ilang pelikula ni Vice Ganda tulad ng The Super Parental Guardians. Ang kanyang naging buhay ay nai-feature sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya taong 2016. At noong 2017, siya ang itinanghal na kampeon sa unang Filipino version ng Your Face Sounds Familiar: Kids (Season 1).

Imahe mula sa Instagram

Noon pa man ay lantad na ang kanyang pagiging miyembro ng LGBTQ at naging isa sa kanyang mga talento ang mag-impersonate ng mga Filipina actresses gaya nina Sarah Geronimo, Sarah Lahbati, at ang kanyang lodi na si Maja Salvador na naging co-cast din sa  FP’s Ang Probinsyano.

Panoorin:

Source: YouTube

Post a Comment

Previous Post Next Post