Baby na may bigat na 5.1 kg, isinilang sa Bulacan

Marami ang namangha sa bouncing baby boy na isinilang sa San Jose del Monte, Bulacan kamakailan.

Ibinahagi sa Facebook ng midwife mula sa Pabahay de Arkangel Polyclinic na si Anjenette Peralta ang pagsilang ng 5.1-kilo baby na pinangalanang Marion Jae Patayan madaling araw noong Disyembre 17.

Imahe mula sa YouTube | Novo Illut

“​​Welcome to the world, baby boy, 5.1 kgs. Normal spontaneous vaginal delivery, 12:30 a.m.,” caption ni Anjenette sa kaniyang post na may 21k reactions at 31k shares na sa kasalukuyan.

Ayon sa ina ni Marion Jae na si Janice Patayan, nahirapan siyang isilang ang ikalimang anak dahil sa laki nito ngunit tiwala sa Panginoon at lakas ng loob ang kaniyang kinapitan para sa ligtas at normal na panganganak.

“Mahirap din po kaso nag-pray po kami kay Lord para lumabas po siya kaagad at hindi naman po kami pinabayaan ni Lord,” sabi ni Janice sa panayam ng isang vlogger. 

Imahe mula sa YouTube | Novo Illut

“Dasal lang po, dasal lang kapit lang kay God para lumabas po kaagad si baby,” dagdag pa niya.

Ganito tin ang sinabi ng midwife na si Anjenette nang tanungin kung nahirapan sa pagpapaanak kay Janice. “Nahirapan din po, pero siyempre, lakas ng loob at saka may kasamang dasal,” tugon ng midwife.

Bukod sa pagkagulat sa laki ng sanggol ay marami ring netizens ang napabilib kina Janice at sa Anjenette.

“Ang galing, nakayanan niya paanakin nang normal. Salute sa iyo,” sabi ni Nhica E.

Imahe mula sa YouTube | Novo Illut

“That is the essence of being a woman. Nakakabilib! Stay safe and healthy to the mom and child,” komento naman ni Rowena C.

“As in normal? Proud of you mommy. Be strong and healthy. Hindi madaling manganak. Sa akin nga, maliit lang baby ko paglabas pero sobrang hirap ako sa pag-iri, ito pa kaya? But anyway, thank God at nakaraos ka. God will always protect you, your baby, and family,” sabi naman ni Lyn E.

Panoorin dito ang vlog ni Novo Illut.

Post a Comment

Previous Post Next Post