Barbie sinabing nag-sorry si AJ Raval kaya nagkaayos na sila

Naayos na rin ang gusot na namagitan kay Barbie imperial at AJ Raval na ilang linggo ring pinagpiyestahan sa social media.

Isang unsent message sa Viber ang naging daan upang magkaayos ang dalawa. Kuwento ni Barbie, nabasa niya ang unsent message ni AJ sa Viber kaya agad raw niya itong kinontak upang makausap.

Image from Barbie Imperial’s Instagram account

“Oo nag-message nga siya siguro 4 days ago. Actually unsent nga niya ‘yung message niya sa viber, eh. Di ba makikita naman ‘pag ganun, ako na ang nag-message, sabi ko, ‘o AJ?’” sabi ni Barbie sa mga reporters na nasa Fisher Mall para sa private screening ng pelikulang “Dulo” na pinagtambalan nila ng nobyong si Diego Loyzaga.

Kaswal pang sinabi ni Barbie na matapos mag-sorry ni AJ ay pinangaralan niya ito.

“Tapos ‘yun nga nag-sorry tapos pinangaralan ko,” aniya na hindi na nagbigay ng iba pang detalye ng napag-usapan nila ni AJ.

Maging si Diego Loyzaga na naroroon din para sa screening ng pelikula ay nagbigay ng pahayag tungkol kay AJ.

Iginiit niya na “working partners” sila ni AJ sa ginawa nilang pelikula at walang romantikong relasyon.

Screenshot from Yam Laranas’ movie

Samantala, sa media conference ng pelikula niyang “Crush kong Curly” ay inamin ni AJ na umiiwas muna siya sa social media na para sa kanya ay naging toxic na at nakaaapekto sa kanyang mental health.

“Siguro dahil sobrang toxic na ng social media para sa akin. Siyempre ayoko na magpa-apekto dun. Honestly, at first nagme-mental breakdown ako. Dahil triny naman namin i-explain or triny naman akong protektahan ng mga taga-kabila,” lahad niya.

Hindi raw niya maintindihan kung bakit marami ang nagagalit sa kanya kaya naisipan umano niyang mag-detox sa social media.

Maganda naman daw ang resulta ng pag-iwas niya sa social media dahil mas marami raw siyang nagawa.

Image from AJ Raval’s Instagram account

“Ang dami kong nagawa ever since nag-social media detox ako. Nilibang ko ‘yung sarili ko, lumipat ako ng bagong bahay, nakabili ako ng bagong sasakyan. Parang ‘yung negative na nangyayari, ginawa ko siyang positive. Parang gusto ko din mag-improve sa sarili ko. Gusto ko rin mag-grow,” aniya.

Kahit umiiwas sa social media, ikinatuwa niya na isa siya sa “most Googled” female personality sa Pilipinas ngayong taon.

Post a Comment

Previous Post Next Post