Beatrice Luigi Gomez nakarating hanggang Top 5 sa 70th Miss Universe pageant, Si Miss India ang winner

Natapos ang Miss Universe journey ng pambato ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez matapos niyang mabigong makapasok sa Top 3 ng kompetisyon.

Ang 26-anyos na beauty queen mula sa Cebu ang ikalimang kandidata na tinawag sa Top 5, pero hindi nga siya pinalad na makausad sa top 3.

Screenshot from Miss Universe 2021 video

Ang  mga kandidata mula sa South Africa, India at Paraguay ang nasa Top 3. Isa sa kanila ang hahalili sa reigning titleholder na si Andera Meza ng Mexico.

Sa Question ang Answer portion, tinanong si Beatrice sa kanyang opinyon tungkol sa pagpapatupad ng vaccine passport sa gitna ng pandemya.

Ang tanong ay nanggaling kay Miss Universe 2016 Iris Mittenaere. “Given the ever-changing COVID situation, what is your opinion of mandating a universal vaccine passport?”

Ang sagot ni Beatrice ay pabor siya sa universal vaccine passport.

“Public health is everyone’s responsibility. To mandate vaccine inoculation is necessary. If mandating vaccine passport will help us in regulating the rollout of vaccines and mitigate the situation of the pandemic, I agree in mandating the passport vaccination,” ayon sa kanya.

Image from Beatrice Luigi Gomez

Ang Top 3 candidates na sina Lalela Mswane (South Africa), Harnaaz Sandhu (India) at Nadia Ferreira (Paraguay) tinanong kung anong advice ang ibibigay sa young women na nanonood kung paano harapin ang mga pressures na kinakaharap nila ngayon.

Matapos ang kani-kanilang sagot, ‘di nagtagal ay inanunsyo na ang bagong Miss Universe.

Si Miss India Harnaaz Sandhu ang winner. Si Miss Paraguay Nadia Ferreira ang second placer at si Miss South Africa Lalela Mswane ang third placer.

Universe 2021 video

Post a Comment

Previous Post Next Post