Co-judge sa Miss U tinuruan ni Marian Rivera ng "Sabay Sabay Tayo" dance steps

Naaliw ang mga netizens kay Marian Rivera sa mini dance tutorial session nila ng kapwa judge niya sa Miss Universe 2021 na si Urvashi Ratuela, isang aktres mula sa India.

Tinuruan ni Marian si Urvashi ng dance steps ng “Sabay Sabay Tayo,” ang kanyang sing-and-dance song na nag-hit noong ini-release iyon taong 2009.

Screenshot from Urvashi Ratuela’s video

Ang nakatutuwa nilang dance session ay ginawa ilang minuto bago simulan ang National Costume Competition sa 70th Miss Universe pageant na ginaganap sa Israel. In-upload ni Urvashi sa kanyang Instagram account ang video ng katuwaan nila ni Marian.

Nagyakap pa ang dalawa matapos nilang sumayaw, pero nag-enjoy yata ang Bollywood actress kaya nag-request pa ito na ulitin nila ang sayaw.

“Again?” maririnig na sabi ni Urvashi.

Game naman ang Primetime Queen ng Kapuso Network at pinagbigyan ang hiling ng fellow judge hanggang patigilin na sila ng tila floor director ng Miss Universe dahil mag-uumpisa na ang programa.

“Ok, guys. That’s enough. Thank you, guys,”  sabi ng babaeng floor director.

Bago ang nakaaaliw nilang pagsayaw, ipinakilala ni Urvashi si Marian sa mahigit 43 million niyang Instagram followers.

Screenshot from Urvashi Ratuela’s video

“My favorite actress in the Philippines,” aniya.

“She glows. She glows like the sun and I love her smile,” sabi pa ng Indian model-actress.

Tinanong naman si Marian ng lalaking kumukuha ng video nila kung ano ang masasabi niya tungkol kay Urvashi.

“She’s very friendly and I love her,” ang sagot naman ng Kapuso star na dinugtungan naman ni Urvashi ng “And I’m now friends with her.”

Tinanong din siya ng videographer kung sino ang favorite niyang Bollywood actress. Syempre, ang sagot niya ay si Urvashi Ratuela.

Screenshot from Urvashi Ratuela’s video

Matapos nilang mag-bonding ay kapwa nagbigay ang dalawa ng mensahe para sa  mga kandidata.

“Good luck to the candidates, and we’re very excited to see them,” ani Marian.

Si Urvashi Ratuela ay kandidata noon sa Miss Universe 2015 kung saan ang pambato ng Pilipinas na si Pia Wurtzbach ang nag-uwi ng korona.

Post a Comment

Previous Post Next Post