Gumawa ka rin ba noon ng love letters? Nakipagsulatan ka rin ba noon sa iyong iniibig? O sumulat habang umaasa na mapapansin ka at sa wakas ay makakausap mo na rin ang taong matagal mo nang hinahangaan o sinisinta? Kinabahan ka ba at nananabik sa tuwing may liham na sa iyo ay bumabalik?

Noong panahong wala pang cellphone, usong-uso ang pagpapalitan ng love letters sa mga high school students. Gamit ang mga pahina ng kuwaderno o ang papel na ginagamit sa paaralan, mga sulat ang naging daan para magsimula at magpatuloy ang mga kuwento ng pagmamahalan.
Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, inalala ng marami kung paano naging bahagi ang love letters sa istorya ng kanilang “young love”.

“Iba’t ibang klase ng folds for love letter, (minsan mayroon pang nakalagay na) ‘Smile before you open’. Iyong iaabot mo na lang pero nagbago isip mo kaya nagtatakbo ka na lang sa hiya! Ah, memories!” pag-aalaala ni L. Y. Villaruz.
“Naku, napurnada naman ‘yong gan’yan ko noong high school kasi pinakialaman ‘yong bag ko ng friend ko tapos binasa n’ya. Pagkatapos niyang basahin, binigay niya sa crush ko. Then, reply niya, friends lang kami,” pagbabahagi ni F. Velasquez.
“High school memories never fades! Nakakatuwa balikan. I used to receive those letters, tapos initial lang ng nagpadala ang nakalagay. Gagawin ka pang manghuhula,” kuwento ni Q. Een.

Ang sarap balikan ng mga panahong ito, hindi ba? Iyong maliliit na bagay at matatamis na salitang nagpapakilig nang sobra sa bata mong puso. Iyong mga sandaling maging ang pag-ibig ay hindi pa ganoon kakumplikado. Tiyak na mapapangiti kang talaga habang bumabalik sa mga sandali ng high school love letters!
Ikaw, ano-anong mga alaala ang ibinalik sa iyo nito? May mga gunita ka bang sinariwa 0 naisipan mo ba biglang basahin ang mga naitago mo pa sa isang bahagi ng iyong sili?