Coco Martin dati palang talent ng GMA-7 bago naging ABS-CBN star

Isa ngayon si Coco Martin sa pinakamalaking bituin sa ABS-CBN TV network.

Ang TV series niyang FPJ’s Ang Probinsyano ay mahigit anim na taon nang namamayagpag sa telebisyon at wala pang nakikitang palatandaan na ito ay magwawakas na.

Image from Hubpages

Pero, alam n’yo ba na bago naging star ng ABS-CBN si Coco Martin ay talent siya ng GMA -7?

Sa mga sumubaybay sa Daisy Siete kung saan tampok ang members ng dance group na  SexBomb Girls, matatandaang si Coco Martin ang leading man ni Rochelle Pangilinan sa 15th episode ng serye noong 2007.

Bukod pa sa Daisy Siete, si Coco Martin ay lumabas bilang guest sa youth-oriented series na Click: Second Batch  noong 2002.

Ginampanan niya ang papel na Wesley o Yumyum na ex-boyfriend ni Mimi, na ginampanan naman ni Chynna Ortaleza.

Ang karakter ni Yumyum ay unang ipinakilala sa first batch ng Click noong 2001, ngunit hindi ito nakita sa anumang eksena. Nababanggit lang ang kanyang karakter sa mga pag-uusap sa telepono.

Sa unang eksena ni Coco Martin sa second batch ng Click ay kasama niya si Chynna Ortaleza, Angel Locsin, Allesandra De Rossi at Richard Gutierrez, na ngayon ay isa na sa mga kontrabida niya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Screenshot from Click

Ginampanan ni Richard Gutierrez sa Click ang papel na Enzo, ang ka-love team ni Chynna sa serye. Ang papel ni Coco Martin ang magpapakumplikado sa umuusbong na relasyon ni Enzo at Mimi.

Natapos ang partisipasyon ni Coco Martin sa episode din na iyon nang piliin ni Mimi si Enzo kaysa kay Yumyum.

Taong 2008 nang lumipat sa ABS-CBN si Coco Martin, at naging bahagi ng “Ligaw na Bulaklak.”

Dumating ang big break niya sa telebisyon noong 2009 nang ipagkatiwala sa kanya ang role na “Ramon” sa “Tayong Dalawa” na pinagbidahan nina Kim Chiiu at Gerald Anderson.

Mula noon ay naging bida na siya sa maraming teleserye kabilang ang Nagsimula sa Puso (2009), Kung Tayo’y Magkakalayo (2010), iDOL (2010), Minsan Lang Kita Iibigin (2011), Walang Hanggan (2012), Juan dela Cruz (2013), at Ikaw Lamang (2014).

Screenshot from Click

 

Post a Comment

Previous Post Next Post