Wowowin choreographer niregaluhan ni Kuya Wil ng bagong kotse

Hindi inaasahan ng beteranang choreographer na si Anna Feliciano na reregaluhan siya ng Wowowin host na si Wille Revillame o Kuya Wil ng bagong kotse ngayong Pasko.

Inamin niya na ikinalungkot niya na pinagtatrabaho pa siya ni Kuya Wil kahit araw ng Pasko  Pero hindi niya alam na may bonggang  surpresa pala ito para sa kanya.

Screenshot of text mesaages

Inutusan kasi siya ni Kuya Wil na magpunta sa Cherry car dealer para asikasuhin daw ang claim ng nanalo ng kotse.

“Anna, good morning. Saglitan mo muna puntahan ang Cherry, may emergency daw sa claim ng nanalo noong 12.12. Pakiasikaso muna. Nandoon si Jo, siya ang hanapin mo,” text message sa kanya ng Wowowin host.

After lunch pa sana gustong magtungo ni Anna sa Cherry, pero sinabi ni Kuya Wil na before lunch magpunta doon dahil kailangan ng representative ng show para ma-release ang premyong kotse.

“Before lunch puntahan mo. Need ng representative ng show para ma-release. Mabilis lang ‘yun. Kawawa naman ‘yung nanalo (kung) maghintay ng matagal doon,” utos pa sa kanya ni Kuya Wil.

Sa sumunod na palitan ng text messages nilang dalawa ay nagpapasalamat na si Anna kay Kuya Wil.

Para sa kanya pala ang kulay orange na kotseng Cherry Tiggo 2 na ang cash price ay P695,000 kapag manual transmission at P770,000 kapag automatic transmission.

Screenshot of text mesaages

“Maraming salamat kuya, hindi ko alam ang sasabihin ko but thank you very much,” masayang text ni Anna kay Kuya Wil.

“Deserved mo ‘yan, Anna. Christmas gift ko sa mahusay mong trabaho” sagot ni Kuya Wil.

“Alam ko may ibang shows na kumakausap sa ‘yo kaya ayan ang suhol ko sa ‘yo para ‘di ka umalis hahaha,” pabiro pang mensahe ng galanteng TV host-comedian.

Nangako naman si Anna na never niyang iiwan si Kuya Wil.

Ito ang pahayag ni Anna sa natanggap niyang regalo mula kay Kuya Wil:

“Unexpected. I felt bad pa dahil gusto ako pag-work-in in Christmas Day. ‘Yun pala may surprise. Thank you very much, kuya. Grave ang pasabog mo. Yes kuya, I will never leave the show. Loyal ako sa ‘yo, you know that. From Wowowee to Wowowin, from ABS to GMA. Thank you sa pag-appreciate ng craft ko.”

Image from Anna Feliciano

 

Post a Comment

Previous Post Next Post