Marami ang natuwa nang mag-post si Alwyn Uytingco sa Facebook ng larawan kamakailan lang na kasama si Jennica Garcia at dalawa nilang anak.
Walang caption na inilagay si Alwyn kundi tatlong heart emojis lang. Pero sapat na iyon para magpakilig sa mga tagasubaybay nilang mag-asawa.

Image from Alwyn Uytingco
Nangangamoy balikan na raw ang dalawa. Matatandaang noong Mayo ng taong kasalukuyan ay kinumpirma ni Jennica ang paghihiwalay nila matapos ang pitong taong pagsasama.
Sa nakaraang interview sa kanya, sinabi ni Jennica na nagkausap na sila ng asawa para ayusin ang kanilang pagsasama. Labis ang pasasalamat niya na dininig ng Panginoon ang kaniyang mga panalangin.
“I am very thankful to Jesus because he heard my prayers. He gave me what I was waiting for–Alwyn to come back for us. He expressed his desire for family restoration,” sabi noon ni Jennica sa panayam sa kanya ni Lhar Santiago sa 24 Oras noong buwan ng Oktubre.
Noong buwan ding iyon ay nag-post si Alwyn sa social media ng pasasalamat sa kanyang “habibi” (Arabic word na ang ibig sabihin ay “Mahal Ko”) dahil binigyan siya ng second chance.

Screenshot via Facebook/Alaskador
“Habibi
When God gives you something you don’t deserve, that’s what He calls grace. I have to admit, I don’t deserve my family. I don’t deserve a second chance.
Please don’t get me wrong, I will do everything for another chance in this life. And I will fight the good fight to retake my family. Yet I realize that it’s impossible to achieve if I rely on my strength alone. Without God and His guidance, His grace.. I am with no purpose.
And without my wife’s boundless patience and love.. I will be lifeless. Thank you, mahal, for not quitting on me. Thank you for letting me continue this life we started together. Thank you for giving me a wonderful gift of ‘second chance’, and one that I don’t deserve at all. Just because the past is painful doesn’t mean the future will be.
I will always be your Habibi. Till death do us part. I love you.”
Si Jennica at Alwyn ay muling nakitang magkasama nang maging guests sila sa latest episode ng “Mars Pa More.”
Screenshot from Mars Pa More video
