Dila ng mga "marites" nagwagwagan dahil sa family portrait nila Chito at Neri Naig-Miranda

Para sa paggunita sa 7th wedding anniversary nila ng asawang si Chito, isang family portrait ang ibinahagi ni Neri Naig-Miranda sa Instagram.

“Happy 7th year wedding anniversary, Dad. I love you so much. You are the best Dad and the best husband. Wala na kaming mahihiling pa. Thank you for making us happy everyday. Palagi mo kaming pinapatawa at hindi mo nakakalimutang ipakita kung gaano mo kami kamahal,” bahagi ng caption ni Neri sa Instagram post.

Image from Neri Naig’s Instagram account

Nagbiro pa si Neri at sinabing matibay-tibay daw ang suot niyang helmet kaya nakaabot na ng pitong taon ang pagsasama nila.

“Seven years na? Wow!  Matibay-tibay helmet ko, haha! Joke lang! Mahal na mahal na mahal kita!!!” biro niya.

Pumukaw sa pansin ng ilang mga netizens ang batang babae na kasama nila sa family portrait; dahilan para magwagwagan na naman ang dila ng mga “marites.”

Binaha ng kung anu-anong hakahaka ang comment section ng post ni Neri.

May ilan na nagsabing adopted sister daw ni Neri si Pia, ang batang babae sa family portrait. Mayroon ding nagsabi na anak daw iyon ni Chito sa pagkabinata.

Pinaratangan pa nilang babaero si Chito.

“May anak pala sa ibang babae si Chito, babaero din pala,” ang sabi ng isang nagkomento.

Pero hindi pinalampas ni Neri ang mga makakating dila ng mga marites.

Image from Neri Naig’s Instagram account

“Thank you sa pagmahahal at pagbati sa aming anibersayo. Ramdam ko ang pagmamahal po ninyo. At sa mga Maritess, Pia is our daughter. Every child deserves a home and love. Period. Ok na? Gets na iyan? Grabe ang pagiging tsismosa ng ibang tao. Nahusgahan at nagawan na ng mga kwento. Merry Christmas!” buwelta ni Neri sa mga tsismosang netizens.

Sa hiwalay na Instagram post, kinumpirma ni Chito na in-adopt nila si Pia at kasalukuyang dumadaan pa sa  mga proseso upang maging opisyal nilang anak ang bata.

“Yup, she will soon be as we are in the process of making her ours, officially,” wika ng frontman ng rock band na Parokya ni Edgar.

Si Chito at Neri ay may dalawa pang anak na lalaki – si Miguel na isinilang noong 2016 at si Cash na noong Oktubre lang ipinanganak.

Image from Neri Naig’s Instagram account

Post a Comment

Previous Post Next Post