Gumawa ng dalawang Guinness World records ang isa sa sa pitong members ng BTS South Korean boyband na si Kim Taehyung o mas kilala bilang si V.
Ayon sa Guinness World Records, isinapubliko sa unang pagkakataon ng pitong BTS members ang kanilang Instagram accounts noong December 6, 2021 at agad umanong humakot iyon ng mga followers.

Image from KPOP Fandom
Na-shock ang mga ARMY sa buong mundo nang buksan ng BTS members ang kanilang Instagram accounts para makipaghuntahan sa mga tagahanga.
ARMY ang tawag sa mga fans ng BTS.
Sa kanilang pito, si V raw ang nanguna sa paramihan ng nakuhang Instagram followers. Nabasag niya ang world record para sa fastest time to reach 1 million followers on Instagram sa loob lang ng 43 minutes.
Ang Guinness World record na iyon ay dating hawak ni Taeil Moon ng NTC KPop group. Humawak din niyon sina Rupert Grint at Jennifer Aniston. Pero hindi lang iyon ang record na binasag ni V.
Dahil sa milyun-milyong ARMY ay mabilis na umabot sa sampung milyon ang Instagram followers niya. Inabot lang iyon ng apat na oras at limampu’t dalawang segundo para basagin ang record sa fastest time to reach 10 million followers on Instagram.
Sa ngayon ay umabot na sa 26.3 million ang Instagram followers ni V.

Image from AllKpop
Kung pagsasamahin ang Instagram followers ni V at followers ng mga kasama niya sa grupo ay aabot na ang mga followers nila sa halos 60 million.
Mahigit 42.3 million naman ang followers nila sa Twitter.
Ayon pa sa Guinness World Records, bagaman at ito ang unang record na nagawa ni V ngayong taon, ang BTS ay nakagawa rin ng bagong world records para sa taong 2021.
Binasag ng single nilang “Butter” ang limang world records na naitala sa YouTube at Spotify.
Kabilang dito ang Most viewed YouTube music video in 24 hours na nakapagtala ng 108,200,000 views at Most streamed track on Spotify in the first 24 hours na mayroong 11,042,335 global streams.
Dahil sa dami ng world records na hawak nila ay kasama na sila sa Hall of Fame ng Guinness World Records para sa 2022.

Image from Guinness World Records