'Sumisigaw sila ng tubig at pagkain': Malasakit Movement humihingi ng tulong para sa mga apektado ng Bagyong Odette

“Sumisigaw sila ng tubig at pagkain. Nawa’y matulungan po ninyo ang Malasakit Movement Partylist na makakapaghatid ng tulong sa Dalaguete, Cebu.” Ito ang panawagan ni Malasakit Movement Partylist first nominee Celine Pialago sa mga taong posibleng makapagbahagi ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette sa Dalaguete, Cebu kamakailan.

Malasakit Movement Odette

Tubong Dalaguete, agad na kumilos ang dating Metropolitan Manila Development Authority assistant secretary upang maging daan ang kanilang partylist sa pagtitiyak na may magiging kaagapay ang kanyang mga kababayan sa isa sa pinakamahirap na sandali para sa kanila.

“Masakit malaman na nahihirapan din ang ilan kong kababayan, kamag-anak, at mga kaibigan sa Cebu dahil sa pananalasa ng bagyong Odette. Kasama po ang Dalaguete Cebu sa labis na naapektuhan ng bagyo tulad din ng ibang probinsya,” Pialago said.

Pagbabahagi ng beauty queen-turned-public servant, dumudulog ang kanyang mga kababayan, kabilang na ang ilang malalapit na tao sa kanya, tungkol sa kanilang pangangailangan sa pagkain, tubig, at iba pang basic needs na kulang na kulang sa kanila ngayon matapos danasin ang kalupitan ng bagyo.

Sa kasalukuyan, mayroon na rin mga tumugon sa panawagan ng Malasakit Movement Partylist, na ipinagpapasalamat daw talaga ni Pialago dahil sa panahong ito raw pinakakailangan ng kanyang mga kababayan ang makakapitan.

Malasakit Movement Odette

Para sa mga gusto pang magbahagi ng tulong, maaaring ibigay ang mga in-kind donations sa 42 Sct. Borromeo, Quezon City o ipadala ang cash assistance mula sa kanila sa Malasakit Movement, Inc. (02-111-0100-1939).

Samantala, bukod sa Cebu, may ibang mga apektadong lugar din na mararating ng tulong mula sa mga donation drive na isinusulong ng Malasakit Movement Partylist para sa mga nasalanta ng Bagyong Odette. Malasakit Movement Odette

Si Pialago ang leading bid ng Malasakit Movement Partylist na naglalayong makakuha ng puwesto sa House of Representatives sa darating na eleksyon sa May 2022. Layunin ng Malasakit Movement Partylist na isulong ang standard benefits para sa barangay workers at frontliners, at iba pang mga benepisyo para sa overseas Filipino workers, persons with disability, senior citizens, at iba pa.

Pagtatrabahuhan din daw ng nasabing partylist ang pagpapatayo ng healthcare centers sa mga malalayong lugar upang tugunan ang hinaing ng mga Pilipinong problema pa rin hanggang sa ngayon ang pagiging malayo sa mga ospital at iba pang pasilidad na makakatulong sa kanila sa oras ng emergency.

Post a Comment

Previous Post Next Post