Grab driver na may tourette syndrome binigyan ni Karen Davila ng pamaskong surpresa

Ibinahagi ng beteranang journalist na si Karen Davila ang Christmas Love episode ng kanyang YouTube channel kung saan tampok ang inspiring at touching na istorya tungkol sa grab driver na may tourette syndrome.

Screenshot from Karen Davila’s vlog

Hinandugan ni Karen Davila ng pamaskong surpresa si Marlon Fuentes na madalas makaranas ng pangungutya dahil sa kapansanan niya kung saan hindi niya kontrolado ang ilan niyang mga galaw.

Kuwento ni Marlon, dahil sa kanyang kapansanan ay may mga pasahero na natatakot sumakay sa kanya at bumababa sa pangambang madisgrasya ang sasakyan dahil sa kalagayan niya.

Sa kabilang banda, marami rin daw na mga pasahero ang humahanga sa kanya dahil nagagampanan niya nang ligtas ang pagmamaneho kahit may tourette syndrome siya.

Ang pamamasada ng Grab taxi ay idinudokomento ni Marlon sa kanyang YouTube channel kung saan makikita ang iba’t ibang karanasan niya sa  mga pasahero.

Napag-alaman ni Karen Davila na mahilig mag-bake ang asawa ni Marlon kaya napagpasiyahan niya na ibili ito ng mga gamit sa baking kabilang ang isang oven at mga sangkap sa pagluluto.

Dinala niya ang pamilya ni Marlon sa Puregold Supermarket na nagdiriwang ng ika-23 anniversary upang mamili ng mga mapagsasaluhan sa Pasko.

Ayon sa manager ng Puregold branch, P23,000 lang sana ang nakalaan para kay Marlon na kasya lang sa dalawang push cart, pero inalis na raw nila ang limit dahil nakita nilang excited ito sa pamimili ng mga gamit para  sa mga anak.

Screenshot from Karen Davila’s vlog

Sapat para makapagsimula ng isang munting sari-sari store ang napamili ni Marlon at asawa.

Dahil may busilak na kalooban, namahagi si Marlon ng mga grocery items sa ilan nilang kapitbahay. Kahit hindi karamihan ang naibahagi niya ay masaya naman daw siya.

Makalipas ang isang linggo ay pinatinggan naman ni Karen Davila sa isang doktor si Marlon upang mabigyan ng karampatang gamot para maibsan ang kanyang kondisyon.

Screenshot from Karen Davila’s vlog

Post a Comment

Previous Post Next Post