MMDA naglabas ng guidelines sa mga 2022 election candidates sa pagsasagawa ng motorcade

Naglabas ng bagong alituntunin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa mga kandidato sa 2022 national and local elections sa pagsasagawa ng motorcade.

MMDA logo

Ito ay upang maging maayos at hindi makaabala sa daloy ng trapiko ang kanilang motorcade o caravan.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay grabeng trapik ang naranasan sa mga pangunahing lansangan ng Quezon City dahil sa motorcade ng Uniteam Alliance ni Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na dinagsa ng mga supporters.

Sabi ng MMDA, ang mga organizers ay kailangan munang humingi ng permit sa kanilang tanggapan at sa local government unit kung saan magaganap ang motorcade bago simulan iyon.

“‘Yong organizer siyempre kailangan makipag-usap sa MMDA para maplantsa natin kung papaano ba, saan dadaan, anong ruta,” pahayag ni MDA traffic engineering center director Neomie Tibayan Recio.

Sa ilalim ng bagong guidelines, ang mga motorcades ay papayagan lang sa mga oras mula alas-singko ng umaga hanggang alas-diyes ng umaga tuwing weekends at holidays lang.

“Beyond 10 a.m., ‘di na natin papayagan kasi nga kapag usually, katulad ngayon Linggo, medyo tanghali na gumigising ang ating mga kababayan so gusto natin, ‘di sila masyado maabala sa traffic,” paliwanag niya.

Screenshot from video of BBM-Sara motorcade

Hindi pahihintulutan ng MMDA ang pagsasara ng mga lansangan at kailangang dalawang lanes lang ang ookupahin ng motorcade.

Ang mga lalahok ay dapat sumunod sa mga traffic rules ng Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board at dapat ding sundin ang public health standards na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Ayon sa MMDA, ang ikalawang motorcade ng BBM-Sara tandem na ginawa Linggo ng umaga, ika-12 ng Disyembre ay naging maayos dahil nakipag-ugnayan sa kanila ang organizers.

“Hindi naman totally walang inconvenience. However, we were able to manage it and mitigate the worst effect of this caravan,” sabi ni MMDA traffic chief Bong Nebrija.

“’Yong mga caravan na ‘to should have prior coordination so we could also give the public the ample time through the advisory to plan their travels during the caravan. I think nakatulong iyon,” sabi pa ni Nebrija.

Image from BBM-Sara Uniteam Alliance

Post a Comment

Previous Post Next Post