Imee Marcos bukas sa pagbabalik ng ABS-CBN franchise kapag nanalo si Bongbong

Wala umanong problema kay Senador Imee Marcos kaugnay sa pagbabalik ng prangkisa ng ABS-CBN kapag nanalo ang kaniyang kapatid na si Bongbong na kumakandidato ngayon sa pagka-pangulo.

Sa panayam ng ANC Headstart kay Imee nitong Martes, sinabi ng mambabatas na maganda ang kaniyang naging relasyon kay Federico “Piki” Lopez, chairman at CEO ng Energy Development Corporation (EDC), noong siya ay gobernador pa lamang ng Ilocos Norte.

Imahe mula sa The New York Times

“It’s very curious, I’m very openminded on this. I have experienced working with Piki Lopez in EDC, the biggest investor in Ilocos Norte when I was governor. I had no problems at all,” paliwanag ni Imee.

Inamin rin ng senadora na nagkaroon sila ng pag-uusap ni Bongbong tungkol dito at may agam-agam umano ang kaniyang kapatid pagdating sa nasabing usapin.

“There was a bit of a back and forth between my brother and I and he said ‘These are our enemies, surely you don’t want them in the province’. Tapos, sabi ko, ‘Yeah, but you know, I’ve asked them for everything–help for the schools, help for the supply chains of the farmers… and every single thing, they’ve said yes to,” bahagi pa ng mambabatas.

Imahe mula sa IFJ

Kailangan lang umanong resolbahin ang ilan pang mga issues na ibinabato sa ABS-CBN na ipinasara ng Kongreso noong Hulyo 2020 matapos mabigong makakuha ng panibagong prangkisa ang kompanya ng pamilya Lopez.

“To my mind, under the new construct defined by law, and all the problems have already been revealed, once it solves all that, para sa ‘kin, walang problema buksan yan, first 100 days para makita na natin,” panigurado ni Imee.

Imahe mula PCOO

Ipinasara ng diktaduryang Marcos ang ABS-CBN ng mga Lopez matapos ideklara ang martial law noong 1972 at ipinakulong pa ang isa sa miyembro ng kanilang pamilya.

Si Bongbong Marcos ay tumatakbong presidente para sa halalan sa 2022 at siya ngayong nangungunang kandidato batay sa mga lumabas na survey.

Post a Comment

Previous Post Next Post