Bukambibig na naman ang Actress-vlogger na si Ivana Alawi matapos ilabas ng Google Philippines ang Top 10 Pinoy YouTube content creators na ibinatay sa bilang ng vlogs, views, at mga subscribers ng taong 2021.
Ang kanyang kapatid na si Hash Alawi naman ay nasungkit ang 9th spot kaya’t double celebration ang pamilya Alawi.

Umabot sa 14.4 million ang kanyang subscribers sa video-sharing platform na sinimulan niya noong 2018 at kapansin pansin na laging millions ang views ng mga ibinabahaging videos ng maalindog na aktres.
Ang sumunod kay Ivana sa talaan ay si Zeinab Harake na may 11.4M subscribers at ang pumangatlo ay ang comedienne, businesswoman, host, singer, at actress na si Alex Gonzaga-Morada na may 11.9M subscribers naman.
Nasa 4th spot naman ang kapatid ni Alex na si Toni Gonzaga para sa Toni Gonzaga Studio na may 4.61M subscribers. Bumenta rin kasi ang ‘Toni Talks’ nito na talaga namang humakot ng atensyon.
Si Donnalyn Bartolome na may 8.45M subscribers naman ang nasa 5th spot at pumang-anim ang Unkabogable Star na si Vice Ganda na may 6.05M subscribers.
Ang mga nasa 7th to 10th spot respectively ay ang Skusta Clee TV, si Mika Salamanca, si Hash Alawi at ang Cong TV.

Kapansin-pansin na hindi ngayon napabilang sa talaan ng top content creators ang ilang Pinoy vloggers na nasa Top 10 nitong nakaraang taon — sina Ranz Kyle na umabot na sa 14.6M ang subscribers (mas mataas pa kay Ivana), Niana Guerrero na may 14.1M, Jelai Andres na may 6.76M, Doc Willie Ong na may 6.73M, at si AkoSiDogie na may 6.49M subscribers.
Umakyat naman sa ‘hagdan’ ang mga vloggers na sina Donnalyn Bartolome, Ivana Alawi, Alex Gonzaga, at Zeinab Harake.
Sina Vice Ganda, Skusta Clee TV, Mika Salamanca, Toni Gonzaga, at Hash Alawi ang mga nag-level up sa Top 10 nitong 2021 pero hindi sila napasama sa talaan ng top 10 noong nakaraang taon.

So surprising naman na si Hash Alawi ang nakaabot sa rank 1 sa Top 10 Pinoy Breakout YouTubers ng 2021. Samantala, mapapansing ang Cong TV ay bumaba naman sa 10th rank mula sa pagiging 6th placer last year.
Sumusunod sa puwesto ni Hash Alawi bilang top Pinoy Breakout YouTubers sina Wilbert Tolentino, Boy Tapang, Andrea Brillantes, MPL Philippines, AJ Raval, Herlene Hipon, Mygz Molino, Bonoy & Pinty Gonzaga, at Luis Manzano.
Meanwhile, narito ang mga lumabas sa Top 10 Trending Videos na pinangunahan ng “Four Sisters and a Welding” at Top 10 Music Videos kung saan ay nasungkit ni Skusta Clee – Lagi (Official Music Video) ang top spot!
