Isang unboxing video ang ibinahagi ni Jennylyn Mercado sa Instagram.
Lubos na nagpasaya sa kanya ang laman ng package na ipinadala sa kanya ng YouTube – ang Golden Play Button award.

Screenshot from Jennylyn Mercado’s video
Makikitang naka-embossed sa award ang mensahe na “Presented to Jennylyn Mercado for passing 1,000,000 subscribers.”
Kalakip ng award ang isang YouTube Letter na bumabati kay Jennylyn dahil sa kaniyang YouTube achievements.
Una na siyang nabigyan ng Silver Play Button nang maabot niya noon ang 100,000 subscribers.
Taos-pusong nagpasalamat ang aktres, kasama ang asawang si Dennis Trillo, sa mga YouTube subscribers niya na walang sawang nagbibigay ng suporta.
“Maraming salamat po sa lahat ng patuloy na nanonood at sumusubaybay po sa amin dito sa Youtube. Umabot na po tayo sa 1M subscribers at syempre dahil po ‘yan sa inyong walang sawang suporta. Handog po namin sa inyo ang Gold Play Button award kasama ang aming taos pusong pasasalamat, Dennis & Jennylyn,” pasasalamat ng mag-asawa na kamakailan lang ikinasal.

Image from Jennylyn Mercado’s Instagram account
Napuno naman ng pagbati ang social media account ng aktres dahil sa YouTube award;
“Naks naman sizdt! Congrats to you and Kuya @dennistrillo proud of you guys.”
“Wooowwwww! Congratulations Jen!!!
“This is it, Bessie!!!!”
“Congrats form 1 of your 1m.”
Limang klase ang YouTube Awards na ipinagkakaloob sa mga YouTube content creators.
Ang una ay ang Silver Play Button award na ibinibigay sa mga content creators na mayroon nang 100,000 subscribers.
Ang Golden Play Button ang ikalawang award na ipinagkakaloob ng YouTube sa mga content creators na mayroon nang isang milyong subscribers.
Ang ikatlo ay Diamond Play Button para sa may 10 million subscribers.

Screenshot from Jennylyn Mercado’s video
Ikaapat naman ang Custom Creator Award para sa mga YouTubers na umabot na sa 50 million ang subscribers. Sa ngayon ay 28 content creators pa lang umano ang nabibigyan ng ganitong award.
Tinawag ng Youtuber na si PewDiePie na Ruby Creator Award ang Custom Creator Award dahil kulay ruby ang natanggap niyang award. Pero ayon sa YouTube, iba-iba ang kulay ng Custom Creator Award.
Ang ikalima at panghuling award mula sa YouTube ay ang Red Diamond Creator Award na ipinagkakaloob sa mga content creators na may mahigit 100 million subscribers,