Isang makapigil-hingang video ang ibinahagi ni Wil Dasovich sa social media na kinabiliban ng maraming netizens.
Isang nakakatuwang caption ang inilagay niya sa kanyang post.

Screenshot from Wil Dasovich’s vlog
“Nay: Mag-ingat ka anak. Don’t do anything stupid ha.
Me: ‘ge.”
Ipinakita niya sa mahigit 862,000 Instagram followers kung gaano siya ka-adventurous.
Makikita sa video na tumulay siya sa lubid sa pagitan ng dalawang matataas na bundok. Nagpatalon-talon pa siya at nagsirko sa lubid na tinulayan na talagang nagpakabog sa dibdib ng mga nakapanood sa ginawa niya.
Alam ng mga masugid na followers ni Wil Dasovich na mayroon siyang fear of heights kaya naman lalong bumilib sa kanya ang mga iyon na tila napagtagumpayan na niya ang kanyang takot batay na rin sa nasabing video.
“Hala uy Lodi Wil , Lambuyog ka uy naunsa naman sad ka mahatak ntawn ka diha Nabuang naka Mudra ooh pasaway imuha anak nga Gwapo peace ha ha ha.”
“Oooyyy. Any overthinkers won’t watch this or watch this with knees shaking. Bwisit ka, Wil.”
“Pasaway anak mo mudra kurutin na yarn.”
Oh well, sabi nga nila eh,”Live your Tsonggo life to the fullest. Nakakaloka Ka Wil!!!”
“You absolutely didn’t do anything stupid. That experience is freaking awesome. Keep Safe!”
“Ingat ka Wil Dasovich, malayo ang sasalo sa ‘yo. Mag–aasawa ka pa at magkakaanak at ang pangalan ng ina ng magiging mga anak mo Alodia Gosiengfiao.

Screenshot from Wil Dasovich’s vlog
Si Wil Dasovich ay isang Filipino-American TV personality, model at vlogger. Nag-viral noon ang isa niyang vlog kung saan nagsasalita siya ng “swardspek” o “bekinese” kasama ang tatay niyang si Steve Dasovich.
Nakilala siya aang husto sa Pilipinas nang mapasali siya noon sa 13th season ng Pinoy Big Brother ng ABS-CBN.
Noong 2018, inanunsyo ni WIl na siya at si Alodia Gosiengfiao ay mayroong relasyon. Pero makalipas ang tatlong taon ay naghiwalay sila.
Ipinost ni Alodia sa social media noong November 14, 2021 na tapos na ang relasyon nila ni Wil.

Image from Wil Dasovich;s Instagram account
