Kyline Alcantara inamin ang relasyon kay Mavy Legaspi

Kinumpirma nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi ang matagal nang usap-usapan tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Sa vlog ng Kapuso actress na si Kyline na may pamagat na “A day with Kyline and Mavy” ay sinagot nila ang mga tanong na ipinadala sa kanila ng netizens. 

Imahe mula sa Instagram | Mavy Legaspi

Biro ni Kyline, ito na raw ang pagkakataon nila upang masagot ang mga katanungan at matapos na ang mga haka-haka tungkol sa kanilang ugnayan.

“Is it true that you two are in a relationship?” pang-uusisa ng isang netizen.

“It’s a yes! It’s like friendship na relationship, guys. There are a lot of types of relationships and kung anong meron kami ngayon, it’s really our own,” pagpapaliwanang ni Kyline.

Sunod namang sinagot nina Kyline at Mavy ang tanong na “What do you like most about each other?”

Imahe mula sa Instagram | Mavy Legaspi

“The fact that he’s always there even though ilang beses ko siyang pinu-push away. Kung alam n’yo lang, he’s always there,” sagot ni Kyline.

“And I’m not gonna deny it, I took advantage of it. I just felt so guilty and sorry about it and of course sad about that. Like hindi ko s’ya binigyan ever ng chance to show himself to me,” dagdag pa niya.

May nagtanong din kung kailan na-realize ni Mavy na hindi lang kaibigan ang tingin niya kay Kyline.

“May event kaming pinuntahan ni Cassy kasama si Ky. Tapos nandoon ‘yung Honne, ang ganda pa naman ng music tapos ayun lang, tumibok ‘yong puso ko,” pagbabalik-tanaw ni Mavy.

Samantala, kilig na kilig naman ang kanilang followers sa pagsagot nila sa mga katanungan.

“I really love how the both of you answered the questions honestly. To be honest, first time ko manuod ng vlog mo and grabe kinilig ako the whole video” komento ni M. Patimo.

Imahe mula sa Instagram | Mavy Legaspi

 “Nakangiti lang ako buong vlog nilang dalawa. Feel na feel ‘yong genuine [connection] nilang dalawa,” sabi naman ni L. Romance

Unang pinag-usapan ang tungkol sa relasyon ng dalawa nang mag-post si Mavy sa Instagram ng larawan ng isang babae na may malalim na dimples noong Hunyo. “her. her dimples. yup, that’s the post” caption ni Mavy rito.

Panoorin ang kanilang vlog dito.

Post a Comment

Previous Post Next Post