Usap-usapan sa social media ngayon ang video post ng singer-comedienne na si Kakai Bautista tungkol sa hindi magandang karanasan sa pagbili sa isang online selling platform.
Sa isang video sa Instagram na ngayon ay deleted na, naglabas si Kakai ng sama ng loob sa Lazada dahil sa nabili niyang ice crusher para sa kanyang pamilya.

Screenshot from Kakai Bautista’s video
Ang naturang video ay nakopya naman ng isang netizen at ibinahagi iyon sa YouTube.
Sa video post ng singer-comedienne, inilahad niya ang hindi magandang karanasan.
“Dahil 12.12 ngayon meron akong kwentong Lazada, Panoorin mo Lazada,” panimula ni Kakai.
Ipinakita sa video na basahan ang laman ng ice crusher sa halip na ice tray at ice scooper.
Nabili umano ni Kakai ang ice maker na nagkakahalaga ng P4,000 noon pang November 4 pero itinago lang muna iyon dahil lilipat ng bahay ang pamilya niya.
December 4 na raw nabuksan ang kahon ng ice maker matapos makalipat ng bahay at doon nga tumambad ang basahan.
Ilang beses raw silang nag-report sa customer service ng Lazada subalit pinaikot-ikot lang sila.

Screenshot from Kakai Bautista’s video
Iniisip raw ng iba na maliit na bagay lang iyon dahil artista naman siya at kayang bumili ng isa pa, pero ang hindi raw niya mapalalampas ay ang stress na nararanasan ng kapatid niya sa pagpa-follow up sa customer service.
Halos 2 weeks daw ang ginawang follow up ng kapatid, dahil ito ang nag-receive, pero wala umanong aksyong ginawa ang Lazada.
“Dinededma n’yo ako, Lazada. Maging patas kayo sa lahat ng tumatangkilik sa inyo dahil lahat ng tumatangkilik sa inyo pinaghirapan ang perang ipinambili sa inyo,” post pa ng naimbyernang komedyana.

Screenshot from Kakai Bautista’s video
Sumagot sa naturang post ang Lazada at sinabing hindi pa nila nakikita ang record ng purchase ni Kakai dahil sa libo-libo nilang orders araw-araw.
Pakiusap ni Kakai sa Lazada, sana ang volume ng orders na tinatanggap nito ay ‘yung kaya lang nila.
All’s well that ends well naman ang naging karanasan ni Kakai dahil sa sumunod na video post niya Facebook, sinabi niyang naayos na ng Lazada ang problema. Masaya na umano siya dahil hindi na mai-stress ang kapatid niya na aniya ay hikain pa naman.
Dahil naging maayos ang naging pag-uusap nila, binura na niya ang video ng reklamo niya.
I-click ang larawan ni Kakai sa ibaba upang mapanood ang kanyang good news tungkol sa isyu:
