Kapatid ni Ivana na si Hash Alawi binigyang katuparan Christmas wishes ng mga inmates

Nananalaytay pala sa mga ugat ng magkapatid na Ivana  at Hashim Alawi ang likas na pagkakawanggawa.

Alam na ng lahat na marami nang mga natulungan si Ivana at heto naman ngayon ang kapatid niyang lalaki na si Hash na binigyang katuparan ang mga simpleng kahilingan ng mga inmates sa Naic, Cavite.

Screenshot from Hash’s vlog

Kung inyong matatandaan, naisulat na dito sa News Presenter, ang Christmas Tree na ginawa ng mga persons deprived of liberty (PDL) sa BJMP Naic.

Makikitang nakasabit sa” Wish Ko Lang Tree” ang iba’t ibang kulay ng mga papel kung saan nakasulat ang mga simpleng kahilingan ng mga bilanggo sa Naic para sa Pasko.

Sinabi ng isang opisyal ng BJMP Naic na ibinahagi nila iyon sa social media sa pagbabakasakaling may mabubuting kalooban na magbigay-katuparan sa simpleng hiling ng mga PDLs sa kanilang bayan.

Maraming netizens naman ang tumugon upang mabigyan ng katuparan ang mga kahilingan ng mga bilanggo.

Sa sariling YouTube channel, sinabi ni Hash na nakita siya sa Facebook ang ginawang Christmas Tree ng mga PDL sa Cavite.

“Nakita ko ‘tong post na ‘yung mga persons deprived of liberty, gumawa sila ng Christmas Tree and they had around 700 wishes,” sabi ni Hash sa vlog niya.

Tinanong raw niya ang BJMP Naic kung na-fullfil na ba ang lahat ng mga kahilingan ng mga PDL at nalaman niyang hindi pa. May 100 pa raw na wishes ang naiwan at hindi pa nabibigyan ng katuparan.

Screenshot from Hash’s vlog

Sabi niya, susubukan raw niyang ma-fullfil ang 100 Christmas wishes ng mga bilanggo kahit anuman daw ang mga iyon.

Na-touch daw siya sa mga kahilingan ng mga preso na ang iba ay pera ang hiling para may panimula sa kanilang paglaya at ang iba namang kahilingan ay hindi para sa sarili kundi para sa kanilang mga pamilyang hindi makakapiling sa Kapaskuhan.

Halina’t panoorin si Hash sa pagbibigay niya ng ligaya sa mga PDL:

 

 

Post a Comment

Previous Post Next Post