Likas na mapamahiin ang mga Pilipino lalo na sa gagawing pagsalubong sa bagong taon.
Karamihan sa mga pamahiing ito ay mula sa impluwensiya ng mga Intsik kaya naman talagang inaabangan taun-taon ang mga payo ng Chinese feng shui experts tulad ni Master Hanz.

Image from Master Hanz Cua
Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi ni Master Hanz ang maraming tips sa pagsalubong sa 2022 water tiger.
Para makaakit ng pera at suwerte dapat daw magsuot ng kulay pulang damit mula ika-31 ng Disyembre hanggang ika-1 ng Enero. Ang color theme naman sa bahay at opisina ay dapat daw na kulay yellow gold.
Dapat daw palitan ang mga kurtina ng kulay red, yellow, orange o pink . Ang punda at bed cover palitan din. Pink sa mga walang asawa at red sa mga married couples.
Dapat buksan ang lahat ng ilaw para maliwanag ang buong kabahayan sa pagsalubong sa Year 2022 nang ma-attract ang prosperity at money luck. Palitan daw ang mga pundidong ilaw.
Bago pumasok ang bagong taon ay dapat mag-general cleaning ng bahay. Ang mga sira at luma ay itapon para pumasok ang good fortune energy. Ang lutuan o stove ay dapat malinis.
Ang tumutulong gripo ay kumpunihin, gayundin ang sirang main door.
Siyempre kabilang sa kanyang mga tips ang matagal na nating ginagawa na paglalagay sa hapag kainan ng isandosenang iba’t ibang klase ng mga prutas. Sinisimbolo raw ng 12 fruits ang labindalawang buwan ng pagiging masagana.

Screenshot from YouTube video
Para ma-attract at maging masuwerte ang 2022, dapat daw na mag-display ng tiger sa loob ng bahay.
Itinuturing pa rin na masuwerte ang pagsusuot ng damit na polka dots ang disenyo. Magsuot din ng bagong underwear.
Ang payo pa ni Master Hanz ay dapat makipag-ayos sa mga nakaalitan bago matapos ang 2021. Dapat ding bayaran ang mga utang.
Dapat daw na masaya ang buong pamilya sa pagsalubong ng bagong taon at maghasik ng good vibes sa social media.
Narito ang buong listahan ni Master Hans para sa masaganang 2022:

Image from Master Hanz Cua
HAPPY NEW YEAR EVERYONE!