Karen Davila nag-tour sa bonggang bahay ni Awra Briguela

Itinampok ng veteran journalist na si Karen Davila sa kanyang vlog ang tour sa bagong bahay ni Awra Briguela na nasa isang gated subdivision.

Sinabi ni Karen Davila na isang rags to riches ang kuwento ng buhay ni Awra na aniya ay lumaki sa squatter area at ngayon ay may sarili nang bahay kapiling ang kanyang mga kapatid, lolo’t lola at ama kasama ang bago nitong pamilya.

Screenshot from Karen Davila’s vlog

Dalawang linggo pa lang ang pamilya ni Awra sa bagong bahay.

Wika ng beteranang journalist, na-inspire siya sa buhay ni Awra hindi lang dahil nakapagpundar ito ng maayos na bahay, kundi dahil na rin sa kanyang nalaman na ito pala ang nagpaaral sa kanyang ama upang makapagtapos sa kolehiyo.

“Rags to riches ang kwento ng buhay ng child superstar na si Awra. Lumaki sa aniya’y ‘squatter area’, pasukin natin ang bonggang bahay ni Awra sa isang subdivision. Magaling siya sa pera, maabilidad, madiskarte at napagtapos pa niya sa kolehiyo ang kanyang ama,” ani Karen Davila.

Screenshot from Karen Davila’s vlog

Inilibot siya ni Awra sa mga bahagi ng bahay. Una sa foyer na ang tawag ni Awra ay waiting area. Sumunod sa powder room at sa kanilang maganda pero kakaibang living area. Kakaiba dahil nasa loob iyon ng isang silid.

Paliwanag ni Awra, mas pinaglaanan ng mas malaking espasyo ang dining area dahil doon daw sila madalas magsama-sama ng buong pamilya. Sa dati raw nilang tirahan ay hindi sila makakain nang sabay-sabay dahil kulang ang espasyo para magkasya ang malaking hapag kainan.

Personal na ipinakilala ni Awra ang ama kay Karen Davila na humanga sa mga panuntunan nito sa buhay.

Screenshot from Karen Davila’s vlog

May surpresa ring birthday cake si Awra kay Karen Davila na kailan lang nagdiwang ng kaarawan kasabay ng singer na si Lyka Gairanod.

Bukod sa house tour, nag-bonding ang dalawa sa paggawa ng TikTok video. Ni-recreate din nila ang nag-viral at naging social media meme na surprised reactions ni Karen at Lyka nang malamang magka-birthday silang dalawa.

Screenshot from Karen Davila’s vlog

Post a Comment

Previous Post Next Post