Kris sa bashers: Bakit n’yo ako tuturuan to quietly help?

Hindi nakapagtimpi ang aktres na si Kris Aquino sa bashing na natanggap matapos niyang isapubliko ang ginawang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette kamakailan.

Imahe mula sa Instagram | Kris Aquino

Sa isang Instagram post ay sinabi niyang kahit Pasko ay hindi niya ipagkikibit-balikat lang ang mga sinasabi tungkol sa kaniya.

“Kahit PASKO, sorry I’m not a bit sorry, PASENSYAHAN tayo. Sa mga haters and bashers, obvious ba, I’m not my brother who was too humble and proper for his own good, who chose to suffer in silence kaya namihasa na lang kayo,” ani Kris sa mahabang post sa Instagram.

Sinagot niya rin ang mga bumabatikos sa kaniya sa mga post niya tungkol sa pagtulong sa mga naapektuhan ng bagyo. Aniya, hindi siya dapat pagsabihan na huwag isapubliko ang kaniyang ginagawa.

Imahe mula sa Instagram | Kris Aquino

“Alam ko na babanatan ako ng mga ilan dahil sa posts ko BUT did you think maaawat n’yo ako? Bakit n’yo ako tuturuan to quietly help? Hindi ko ninakaw ‘yong perang ginamit, hindi pera ng gobyerno, galing sa sarili kong bulsa,” sabi niya pa.

Alam niya rin daw na kapag nag-post siya ay marami ang mae-engganyong tumulong.

Paliwanag niya rin, hindi siya namumulitika at sadyang pink lang ang paborito niyang kulay.

Imahe mula sa Instagram | Kris Aquino

“Some are accusing me na namumulitika ako – hello? Kandidato ba ako? Purposely cropped out ‘yong kandidato na kasama ko. ‘Yong kulay ng suot ko, sa dating bahay pa lang namin alam n’yo na, favorite color ko.”

Paalala niya pa sa bashers, palaban ang Aquino na kanilang kinahaharap. “Iba na ang panahon because haters, bashers, and trolls YOU are now getting the AQUINO you super deserve dahil 6 years old pa lang, PALABAN na ‘ko.”

“And to my loyal friends, followers, and supporters, basta hindi feeling perfect na mapanghusga, you’ll also receive what you deserve, ‘yong for life kong pangako na sa oras ng pangangailangan, gagawan ko ng paraan na ako’y inyong maaasahan & #lovelovelove tayo habang buhay.”

Post a Comment

Previous Post Next Post