Napahanga ang mga netizen sa isang lalaki na nanlibre sa fast food restaurant sa Davao City para sa kaniyang kaarawan.
Pinag-uusapan ngayon ang post ni Al Aquino Oliva na nagbahagi ng nakaka-good vibes na karanasan nang bayaran ng hindi nakilalang lalaki ang kaniyang order mula sa Jollibee Puan branch.

Imahe mula sa Facebook | AL Aquino Oliva
“So ayun, while umoorder ako sa Jollibee Puan, itong si tatay na naka-pula, tinanong ako kung ano raw order ko kasi siya na raw magbabayad,” panimula ni Al sa post na ngayon ay may mahigit 86k reactions at 24k shares na.
Tumanggi raw si Al sa alok ng lalaki ngunit sinabi nito na siya na ang magbabayad dahil kaarawan niya noon.
“Sabi ko, ‘Wag na po, Tay. Ako na po.’ He insisted pero kako ‘wag na. So ayun, sabi niya, ‘Sige na. Birthday ko pa naman ngayon.’ Sabay alis. Then, nung magbabayad na ako, biglang lumapit si Tatay sabay bayad sa cashier. Ako naman, napa-thank you na lang kay Tatay,” salaysay ni Al.

Imahe mula sa Facebook | AL Aquino Oliva
Sa isang panayam sa PEP ay sinabi ni Al na bukod sa kaniya ay may iba pang mga nilibre ang birthday boy. “I guess po seven po kami lahat na nilibre. Pero di ko talaga sure kasi di ko nabilang po. Just a guess,” sabi niya.
Bumaha naman ng pagbati kay Tatay mula sa mga netizen.
“Happy birthday Tatay!!! Dahil sa kabaitan at pagiging mapagbigay mo, mas magiging blessed kapa sa mga darating na taon,” sabi ni Sherwin U.
“Tatay, isa ka pong inspirasyon. Keep safe po. More blessings po sa’yo at sa pamilya mo. Happy birthday po,” komento naman ni Anjelo B.

Imahe mula sa Facebook | AL Aquino Oliva
Hindi na rin natanong ni Al kung ano ang pangalan ni Tatay ngunit nakuhanan niya ito ng larawan na siyang ipinost niya kasama ng kaniyang kuwento. Aniya rin, umaasa siyang muli niyang makikita ang lalaki.
“I hope makita ko siya ulit, and this time, tatanong ko na anong name niya and to know more about him, hopefully.”