Sanya Lopez planong paligiran ng CCTV ang bagong bahay upang 'di na maulit ang nangyari noon

Isa sa prayoridad ni Sanya Lopez sa nalalapit na paglipat sa bago niyang bahay ay  ang masiguro ang kaligtasan sa bagong tahanan.

Ayaw na kasi niyang maulit ang nangyari noong taong 2017 kung saan pinasok ng kawatan ang bahay nila sa Tandang Sora sa Quezon City.

Image from Sanya Lopez

Sa bintana umano ng silid ni Sanya dumaan ang nanloob. Nang bumaba ang magnanakaw sa hagdan ay nagulat ito nang makita ang manager ng aktres kaya kumaripas ito ng takbo pabalik sa kuwarto ni Sanya kung saan ito dumaan para tumakas.

Naganap ang insidente habang si Sanya ay nasa taping noon ng Encantadia.

Para hindi na raw maulit iyon ay magpapakabit siya ng mga CCTV camera sa palibot ng bahay.

“Kailangan din talaga. I mean, para protection na lang din,” sabi ng aktres.

Ito ay kahit halos katabi lang ng bahay niya ang security ng subdivision.

“Feeling ko baka kailanganin na rin. Pinaplano na rin namin, e, kasi nga nakakatakot. Though meron naman kaming security na pangkalahatan dito sa subdivision na halos katabi ko lang, nandiyan. So, isang tawagan lang naman”  aniya.

Bukod sa paglalagay ng home security system ay ipadidisenyo niya ang buong bahay ng industrial style, istilong kalimitang ikinakabit sa mga kalalakihan. Ganoon daw kasi ang personality niya.

“Mas gusto ko kasi parang industrial, mas medyo lalaki, ganyan. Medyo… sabi ko nga, parang medyo strong ‘yung personality. Parang pagpasok mo, ‘Ah, oo nga ganyan talaga si Sanya,’ paliwanag niya.

Image from Sanya Lopez

Alam daw ng mga mas nakakakilala sa kanya na mas tipo niya ‘yung medyo malakas ang personalidad. Tulad na lang daw ng sasakyan niya na pang-lalaki ang dating pero babae ang nagmamaneho.

Or baka ‘yung iba, yung mga mas nakakakilala sa akin, alam nila na mas gusto ko ‘yung medyo strong ang personality. Mas pag… yung bahay parang lalaki pero babae yung nakatira.Yung sasakyan ko parang lalaki, pero babae yung nagda-drive. So ayon.”

Image from Sanya Lopez

Post a Comment

Previous Post Next Post