Taos-pusong humingi ng paumanhin ang actor-businessman na si Marvin Agustin sa mga nagreklamong customers na umorder sa kanya ng cochinillo at iba pang pagkain na pang-handa sa Pasko.
Nagkaroon daw ng aberya sa mga kitchen equipment niya at ang mga delivery riders ay nagkansela ng mga tanggap na deliveries kaya na-late ang delivery ng maraming orders.

Image from Marvin Agustin
“I had a series of unfortunate incidents from our kitchen equipment breaking down, a glitch in our ordering system, and last minute cancellation of couriers due to several unforeseen reason. Alam kong hindi ito excuse not to give you the service you deserve and expect. Lalo na sa araw na halos tatlong buwang pinaghahandaan ng bawat pamilyang Pilipino kaya’t napakahalagang huwag magkamali,” paliwanag niya.
Dumagsa ang orders sa food business ng aktor kaya na-overwhelm daw sila.
Inamin niya na hindi nila nakayanan ang sobrang dami ng orders kaya nakaranas ng aberya.
“My worst Christmas. I will learn from this. Im very sorry, everyone,” simula ng kanyang paumanhin na ibinahagi niya sa Instagram.
“Napakahalaga ng Pasko sa atin, lalo na sa dami nang pinagdaanan natin ngayong nakaraang taon kung kaya napakasakit para sa akin na madami kaming mga taong naperwisyo kahapon at ngayong araw na ’to,” mapagkumbabang pag-amin niya sa pagkukulang.
“I am very sorry to each one of you. Maling-mali na nagpa-overwhelm kami sa mga ‘di inaasahang problema, nagkulang kami sa aming serbisyo, at hindi namin agad-agad na natugunan ang inyong mga katanungan. At masakit man yung mga nababasa ko, tinatanggap ko lahat kasi talagang nagka-mali ako,” sabi pa niya.

Image from Marvin Agustin
Kasabay ng paghingi ng paumanhin at pag-ako sa pagkakamali, humingi si Marvin sa mga customers na bigyan siya ng pagkakataon na maipakita na hindi niya pagkatao ang magbigay ng problema sa kahit sino man.
Narito ang ilan sa mga complaints ng customers:
“Yun pig skin napaka-kunat nu’ng dumating sa amin. Malayong-malayo sa advertisement mo. We are very disappointed. Btw even the roast beef puro fat.”
“Mine as well! I pre-ordered cochi last x’mas eve and another one on the 25th. Both worst experience. Need to follow up my order several times and zero response. And when it finally arrived super kunat nu’ng 24th na cochi. Nakakahiya sa in-laws ko because that is our share and I’m super proud of it pa naman. Tapos nu’ng 25th as usual late din and it was burnt cochi. Nasira daw oven nila and no replacement whatsoever daw! My god I mean you paid so much and you just have to accept it? @marvinagustin I sent you a PM regarding this. The experience is far from your marketing.”
Isa-isa namang sinasagot ni Marvin ang bawat complaints:
“Sorry po for your awful experience, we are now processing your concern. We will be in touch as soon as possible. Aayusin po namin ito.”

Image from Marvin Agustin