Nakakalungkot ang naging tanawin sa mga takilya ng mga sinehan sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila sa unang araw ng 2021 Metro Manila Film Festival.
Kakaunti lang ang mga nanood. ‘Ika nga eh, nilangaw.

Image from MJ Felipe
Hindi katulad ng mga nagdaang taon na wala pang pandemya na talagang pinilahan ang mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival.
Ayon sa TV Patrol correspondent na si MJ Felipe, na naglibot sa mga sinehan, nakita umano niya na walang pila at paisa-isa lang ang pasok ng tao sa sine para manood.
“A slow start for MMFF movies and cinemas this year. Together with my crew, we went around major cinemas to see how the eight participating movies will fair in the box office. Please note that the MMFF is returning to the cinemas after the pandemic shutdown.
Maraming posibleng dahilan ng patuloy pa ring pananamlay ng industriya ng pelikulang Pilipino. Kabilang na rito ang pagbabawal pa rin na makalabas ang karamihan sa mga bata, bagama’t unti-unti nang nagluluwag ng mga restriksyon kaugnay ng pandemya.
Marahil ang pagbabawal sa mga bata na lumabas ang dahilan kung bakit walang pambatang pelikula sa MMFF 2021 na taun-taong inaabangan ng mga tao tulad ng mga pelikula nina Vic Sotto at Vice Ganda.
May ilan na nangatwiran na family bonding ang panonood ng sine, kaya dismayado sila na kailangang hiwa-hiwalay ang upuan nila dahil sa ipinatutupad na social distancing.

Image from Bandera
Nagtaas na rin daw ng singil ang mga sinehan kaya marami na siguro ang hindi maka-afford niyon. Ang regular screening ticket ay nasa P320 hanggang P345. Aabot naman sa P450 ang presyo ng ticket sa mga de luxe o premier cinemas.
Nakasanayan na rin daw ng marami ang panonood ng pelikula sa mga movie streaming platform gaya ng Netflix. Bukod sa maraming pagpipiliang pelikula, sama-sama rin ang buong pamilya na makapapanood sa sarili nilang tahanan.

Image from Extreme Tech