Maraming netizens ang nag-react sa ginawang panghaharana ni Robin Padilla sa mga finalists ng Miss Sultan Kudarat 2021 beauty pageant.
Tila nakatoma raw kasi ang action star sa pagkanta niya ng “Wonderful Tonight” para sa mga kandidata.

Screenshot from Pageantry Correspondence video
Pero ayon sa komedyante at talent manager na si Ogie Diaz, ganoon lang daw talaga ang boses ni Robin Padilla.
“Hindi…si Robin ganoon talaga kumanta. Kasi tono ng kanta ‘yun, ‘yung Wonderful Tonight parang lasing din. Kaya siguro ginagaya lang ni Robin,” ani Ogie Diaz.
Nakasama na raw niya si Robin Padilla sa isang sitcom – ang Pwedeng-Pwede – noong taong 2000 at mahilig na raw kumanta ito at ganoon talaga ang boses.
“Nagkasama kami sa Pwedeng-Pwede noong year 2000. Kumakanta….ganoon talaga magsalita si Robin. Ganon talaga ‘yung boses ni Robin medyo binibirit niya nang ganon para tunog kaboses niya si Eric Clapton,” paliwanag pa ni Ogie.
Na-misinterpret lang daw ng mga tao ang aktor.
“Buti na lang kilala ko si Robin. Baka ma-misinterpret nila. Ako na po ang nagsasabi sa inyo. Kung lasing man si Robin noon baka naka-inom lang nang konti ha, pero ganon talaga siya kumanta ‘pag may ginagaya siyang boses,” aniya.

Screenshot from Pageantry Correspondence video
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens sa pagkanta ni Robin Padilla: “Yung pag-akyat pa lang kabado ka na para sa kanya.”
“Tito mong dumayo sa reunion tapos nagsimula na mag-videoke.”
“Si daniel siguro tanggero hahaha.”
“Lasing ba ‘yan?”
“Tito Robin naman. Sabi naman’pag lasing na uwi na.”
May mga pumuna rin sa damit na suot ni Robin na hindi nakapormal. T-shirt na may tatak ng kanyang pangalan at maong pants ang suot niya habang kinakantahan ang mga kandidatang nakasuot ng mga magagandang gowns.
Si Robin Padilla ay kumakandidato sa pagka-senador para sa halalan sa susunod na taon sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) faction na pinamumunuan ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

Image from PDP-Laban