Dalawang taon na ang nakalipas nang huling bumisita sa bansa si Sandara Park. Hindi na nga raw niya maalala ang ginawa niyang shows dito kaya gustung-gusto na niyang bumalik sa Pilipinas para makapag-perform ulit sa kanyang mga Pinoy fans.

Image from Sandara Park
Sa Twitter, sinabi ni Sandara na ang Christmas wish niya ay muling makabalik sa Pilipinas para mag-perform sa stage.
“2 years na ako hindi nakapunta sa Philippines. Kelan ba last show ko sa Philippines? Parang ‘di ko na naalala and mga shows puro untact. Ang Xmas wish ko is to go back to Philippines and be onstage again with you guys,” tweet niya noong araw ng Pasko.
Huling bumisita rito si Sandara noong 2019. Nag-celebrate siya noon ng kanyang 35th birthday sa Bohol.
Nagkaroon pa siya ng reunion sa co-finalists niya sa Star Circle Quest na si Joross Gamboa at Raphael Martinez. Sa mga hindi nakakaalam, ang Star Circle Quest ay isang talent search program na sinalihan ni Sandara noong 2004. Si Hero Angeles ang winner noon.
Nagsimula ang showbiz career niya sa Pilipinas bilang artista at singer matapos maging runner-up sa Star Circle Quest. Napamahal siya sa mga Pinoy fans at tinawag na “Pambansang Krung-Krung.”

Image from Sandara Park
Ginawa niya ang unang pelikula – ang “Bcuz of U” -katambal si Hero Angeles. Dahil sa performance niya sa pelikulang iyon ay itinanghal siyang Best New Actress sa 21st PMPC Star Award for Movies.
Pinasikat rin niya ang kantang “In or Out” na bumenta ng 100,000 physical copies. Ang self-title album niyang Sandara ang tanging album ng isang South Korean artist na naging certified platinum ng Philippine Association of the Record Insutry.
Nang matapos ang kontrata niya sa Star Circle ay bumalik si Sandara at pamilya sa South Korea noong 2007.
Noong 2009 ay pumirma siya ng kontrata sa YG Entertainment kung saan siya nagsimula bilang si “Dara” sa K-pop girl group na 2NE1 kasama sina Bom, CL at Minzy.

Image from YG Entertainment