Mga gagamit ng open pipe muffler, firecrackers sa pagsalubong ng bagong taon huhulihin sa Muntinlupa City

Nagbigay ng paalala ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City ngayong nalalapit na ang bagong taon na hindi pinapayagan sa lungsod ang open pipe muffler na naglalabas ng maingay na tunog sa pagsalubong sa New Year.

Image from Muntinlupa City LGU

“Paalala sa ating mga motorista! Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng Open Pipe Mufflers at iba pang modipikasyon sa Lungsod ng Muntinlupa. Ito ay nakapaloob sa ating City Ordinance 04-022 o Muntinlupa Traffic Code, Art. III Sec. 9.” anunsiyo ng Muntinlupa Traffic Management Bureau sa official  Facebook page nito.

Nakasaad sa City Ordinance 04-022 na “no private person shall use sirens, bells, horns, whistles or similar gadgets that emit exceptionally loud or startling sounds.”

Ang mga mahuhuling lalabag sa ordinansa ay papatawan ng multang P2,500.

Ipinaala rin ng local government na patuloy pa ring ipinatutupad ang pagbabawal sa mga paputok o pyrotechnic devices at firecrackers.

Ito ay nakapaloob sa City Ordinance 14-092. Nakasaad sa ilalim ng ordinansa na  bawal ang pagpapaputok at pamamahagi ng mga paputok sa Muntinlupa.

“It shall be unlawful for any person or business establishment to manufacture, sell or offer for sale, distribute, possess, or use any firecrackers or pyrotechnic device or such other similar devices within the territory of Muntinlupa City,” saad ng naturang city ordinance.

Bahagi umano ito ng pagsisikap ng lokal na pamahalaan na maiwasan ang panganib na dulot ng mga ito sa kalusugan at kalikasan.

Image fromP hilstar

Target ng Muntinlupa na muling makamit ngayong taon ang zero firecracker-related injuries na naitala noong mga nakalipas na taon.

Inatasan ni Mayor Jaime Fresnedi ang local peace and order council na higpitan ang pagmamanman sa paggamit ng ipinagbabawal na firecrackers at ang paglalagay ng mga checkpoints sa mga lansangan at sa mga pamilihan upang mahuli ang mga violators.

Multang mula P1,000 hanggang P5,000 ang ipapataw sa mga mahuhuli. Ang mga establisimyento namang lalabag sa ordinasa ay mahaharap sa pagkansela ng kanilang permit to operate.

Image from Muntinlupa City LGU

 

Post a Comment

Previous Post Next Post