Scientific name ng Philippine eagle sa bagong disenyo ng P1000 banknote mali ang spelling

Tinawag ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate ang pansin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa “glaring errors” sa bagong disenyo ng one thousand peso bill na isinapubliko nito kamakailan lang.

Image from Rep. Carlos Zarate

Sa kanyang mga Twitter posts , sinabi ng mambabatas na dapat itama ng BSP ang mga kamalian dahil kahiya-hiya na kumalat ang isa sa opisyal nating pera na may errors.

Napansin ni Rep. Zarate na mali ang spelling ng scientific name ng Philippine eagle sa disenyo ng naturang denominasyon. Sa halip na Pithecophaga jefferyi, ang nakasulat ay Pithecophaga jefforyi.

“EAGLE-EYED: The BSP should correct the scientific name of the Philippine eagle into Pithecophaga jefferyi as the one they wrote on the new P1000 bill was Pithecophega jefforyi,” tweet ni Congressman Zarate.

Hindi rin daw naka-italicize ang scientific name ng Philippine eagle.

Dapat umanong italicized iyon dahil nasa lengguwaheng Latin iyon na kailangang maibukod sa English. Ganoon daw ang isa sa mga rules sa tamang pagsusulat ng mga scientific names.

Screenshot of Rep. Carlos Zarate’s Twitter post

“Also, the scientific name should be italicized because it is in Latin and needs to be differentiated from the English. This is one of the rules in the proper writing of scientific names,” sabi pa niya.

Nangyari na raw ang ganitong pagkakamali noong 2010 at nakalulungkot umano na mauulit na naman iyon.  Ang panawagan niya ay dapat maitama ang pagkakamali bago pa maimprenta ang bagong disenyo upang maiwasan na maaksaya ang pondo.

Matapos kumalat sa social media ang kamalian sa disenyo ng P1,000 banknote ay naglabas ng pahayag ang BSP at sinabing naitama na ang maling spelling ng scientific name ng Philippine eagle at italicized na rin daw iyon.

“The BSP clarifies that the recently circulated photo of the new banknote was of a sample previously sent to the BSP for review. Necessary corrections have already been made, including the spelling and italicizing of the scientific name of the Philippine eagle,” pahayag ng BSP.

Image from BSP

Post a Comment

Previous Post Next Post