Idineklarang national hero ng Barbados ang singer na si Rihanna.
Ang 33-anyos na singer na tubong Bridgetown, Barbados ay ginawaran ni Prime Minister Mia Mottley ng karangalan na maging isang pambansang bayani noong ika-30 ng Nobyembre kasabay ng pagdiriwang ng ika-55 taon ng pagiging republika ng Barbados.

Screenshot mula sa Frontline Tonight video
Ang seremonya ay paggunita sa paglaya ng Barbados noong 1966 sa ilalim ng kapangyarihan ng British monarchy sa loob ng 396 years.
Si Rihanna ang ikalawang babae at ika-labing-isa sa lahat ng mga idineklarang national heroes sa buong kasaysayan ng Barbados.
“On behalf of a grateful nation, but an even prouder people, we therefore present to you the designee for national hero for Barbados, ambassador Robyn Rihanna Fenty. May you continue to shine like a diamond and bring honor to your nation by your works, by your actions, and to do credit wherever you shall go,” deklarasyon ni Barbados Prime Minister Mia Mottley.
Ito na ang ikalawang karangalang natanggap ni Rihanna ngayong taon.
Matatandaang noong buwan ng Agosto, sinabi ng Forbes na ang singer ay opisyal nang isang bilyonarya na may net worth na $1.7 billion.
Isa umano itong testamento ng tagumpay ng mga negosyo niyang Fenty Beauty at Fenty x Savage bukod pa sa kanyang matagumpay na music at acting career.

Screenshot mula sa Frontline Tonight video
Bago siya idineklarang national hero ay hawak na niya ang honorary title na Ambassador for Culture and Youth in Barbados.
Noong 2018, idineklara ng dating Prime Minister na si David Thompsn ang February 22 bilang “Rihanna Day” na taun-taong ipinagdiriwang sa Barbados.
Si Rihanna ay isinilang noong February 20, 1988 sa Saint Michael at lumaki sa Bridgeton bago lumipat sa United States of America ang kanyang pamilya matapos siyang madiskubre ng New York-based music producer na si Evan Rogers noong 2005.
Nakilala siya nang husto at nakamit ang global stardom dahil sa chart-topping single niya na “Umbrella” na nagbigay sa kanya ng una niyang Grammy Award.

Image from Rihanna