P5K sa bawat pamilya sa mga lugar na nasalanta ng Odette - Pres. Duterte

May sapat na pondo ang pamahalaan upang makapagbigay ng limang libong piso sa kada pamilya na naapektuhan ng Typhoon Odette, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang lingguhang “Talk to the People,”  sinabi ni Pangulong Duterte na may pera ang gobyerno para maabutan ng tulong ang mga nasalanta ng bagyo.

Image from PCOO

“May pera naman. I am giving P5,000 per family. Itong pera na nakuha ko, which I have gathered, will be sufficient for the assistance of P5,000 for everybody,” sabi ng Pangulo.

Ayon kay Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, inilabas na ang joint circular kung saan nakasaad ang guidelines sa pamamahagi ng ayuda sa typhoon-hit areas.

Aniya, pangungunahan ng kanyang ahensya ang pagpapamahagi ng tinatayang apat na bilyong piso sa mga pamilyang nasalanta.

“Humigit kumulang P4 billion ang pamimigay na ayuda… Ayon sa DBM (Department of Budget and Management), mare-release bukas sa mga LGUs,” anang kalihim.

Aabot umano sa labinlimang araw ang pamamahagi ng cash assistance. Ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ay tutulong sa cash distribution.

Bukod sa cash assistance, inatasan ni Pangulong Duterte ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bumili ng mga trapal na magsisilbing temporary shelters ng mga pamilyang wala pang budget sa pagpapakumpuni ng kanilang mga nawasak na bahay.

Malinaw ang instruction ng Pangulo na hangga’t maaari ay gawin iyon ng DSWD sa loob lang ng 48 hours.

“If it can be done in 48 hours, just estimate the trapal that cover a family of six in areas without repairs yet,”ani Pres. Duterte.

Image from OneNews

Inatasan din niya ang mga local government units at iba pang ahensya ng pamahalaan na gamitin ang mga mga natumbang puno ng niyog para magamit sa paggawa ng mga pansamantalang bahay.

“Let’s get a chainsaw and process the woods there.  Iyong niyog, patong-patong, natumba.  Kung sinoman ang may-ari ng mga puno, ibigay mo na lang sa tao.  Magtayo tayo ng mini sawmill. It would come out as lumber, but coconut is not advisable to be used to build homes, but it’s just temporary.  Maybe we can paint them black,” aniya.

Ayon pa sa  Pangulo, tiniyak sa kanya ng DSWD na may sapat na pagkain para sa mga pamilya sa Odette-hit areas.

Imahe mula sa ABS-CBN News

 

Post a Comment

Previous Post Next Post