Regine Velasquez nakiusap sa trolls na itigil ang paggamit sa pangalan ng anak sa fake socmed accounts

“Please stop na.” Ito ang pakiusap ni Regine Velasquez-Alcasid sa mga social media (socmed) users na gumagamit ng pangalan ng anak nilang si Nate para gumawa ng pekeng socmed accounts.

Marami na raw siyang nakitang socmed accounts na ginagamit ang pangalan ng anak nila ni Ogie Alcasid. Wala raw pahintulot ang mga iyon mula sa kanilang mag-asawa.

Image from Regine Velasquez

“Actually marami nang accounts ang ginawa for Nate sa Facebook sa IG na walang pahintulut namin. Alam ko naman na basta na post na ang pictures eh kahit sino pwede na gamitin ‘yun. Pero hindi ibig sabihin nun na ok lang sa ‘kin o sa asawa ko,” post ng Asia’s Songbird sa kanyang Instagram account.

Hindi naman daw artista si Nate at nais lang niyang protektahan ang privacy ng anak kaya siya nakikiusap sa mga trolls na tigilan na ang paggawa ng mga pekeng accounts gamit ang pangalan ng bata.

Maaari naman daw mag-post ng litrato ni Nate pero ang hindi siya komportable ay ang paggamit ng pangalan ng anak para gumawa ng fake accounts sa social media.

“You can post naman his pictures kasi nga like I said once ma-post hindi na talaga mapipigilan. I guess hindi ako masyadong comfortable sa mga gumagawa ng accounts para sa kanya,” aniya.

“Hindi naman s’ya artista kaya hindi ko talaga maatim itong mga accounts na ito. Sorry but I’m just trying to protect my son. So please please if you guys don’t mind stop na,” pakiusap pa ni Mrs. Alacasid.

Nakiusap rin si Ms. Regine sa mga followers niya na tulungan siyang mag-report kapag may nakitang fake socmed accounts gamit ang pangalan ni Nate.

Screenshot of Regine Velasquez’s Instagram post

“Hi guys makikiusap sana ako na kung may makita kayong mga account sa pangalan ni Nate please help me report them,” aniya.

Isang TikTok account daw na gamit ang pangalan ng anak ang ilang beses na niyang nai-report at hindi raw siya titigil sa pagre-report ng naturang TikTok account at iba pang fake accounts na tulad niyon.

Image from Regine Velasquez

Post a Comment

Previous Post Next Post