VP Leni tumugon sa panawagan ni Pacquiao na tulungan ang mga nasalanta ng Odette

Sa gitna ng pananalasa ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao ay nanawagan ang presidential aspirant na si Senator Manny Pacquiao sa kanyang mga kapwa kandidato.

“Doon sa mga kandidato na tumatakbo, instead na ginagastos ninyo sa tarpaulin, sa social media, gastusin n’yo muna, gamitin po muna natin sa pagtulong sa ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo,” panawagan ni Senator Pacquiao.

Image from Manny Pacquiao

Dapat umanong magkaisa sila sa pagtulong sa mga biktima ni Odette.

“Nawa’y mapakinggan ninyo, maunawaan ninyo ‘yung sinasabi ko… Nakikiusap po ako sa inyong lahat. Magkaisa tayo ngayong nangangailangan ng tulong ang ating mga kababayang nasalanta ng bagyo,” aniya.

Sa isang post sa kanyang Facebook account, binanggit ng senador ang mga pangalan ng kapwa kandidato sa pagka-pangulo na sina Vice President Leni Robredo, Bongbong Marcos, Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Senator Ping Lacson, at labor leader na si Leodegario “Ka Leody” de Guzman.

“I appeal to my fellow candidates, VP Leni Robredo, Bongbong Marcos, Mayor Isko Moreno Domagoso, Senator Ping Lacson, Ka Leody, that due to the devastation of typhoon Odette that we set aside all politics and join together all our resources to help our fellow Filipinos in Visayas and Mindanao,” saad sa FB post ni Sen. Pacquiao.

“Now is the time to come together as one. Tulungan natin sila,” sabi pa niya.

Image from Manny Pacquiao

Kinansela na rin ng senador ang magarbong pagdiriwang para sa kanyang kaarawan ngayong Biyernes, December 17, at nanawagan sa mga nagmamahal sa kanya na huwag na siyang regaluhan at sa halip ay ibigay na lang sa mga nasalanta.

“’Yung mga kaibigan ko na gustong mag-regalo sa akin, huwag na lang sa akin, doon na lang sa nasalanta ng bagyo. Lalong-lalo na doon banda sa Siargao, medyo naapektuhan talaga sila. So ‘yung magbibigay sa akin ng birthday gift, doon na lang siguro sa mga kababayan na nasalanta,” aniya.

Si VP Leni ay agad namang tumugon sa panawagan ni Sen. Pacquiao.

“Joining you in this call, Sen. Manny… Our team will get in touch with yours,” ang mensahe ni VP Leni.

Image from VP Leni Robredo

Post a Comment

Previous Post Next Post