Ikinatuwa ng maraming fans ng well-loved ex-Pinoy Big Brother (PBB) housemates na sina Alexa Ilacad at KD Estrada ang sabay na pagbabalik nila sa “Bahay ni Kuya” matapos ma-evict nang sabay sa recent double eviction night na ginanap sa popular na reality show.
Sa Instagram, ibinahagi ng rising musician na si KD ang mga larawang kuha sa labas ng bahay na ilang buwan din nilang naging tahanan ng singer-actress na si Alexa; na naging matalik niyang kaibigan habang nasa loob. Bukod sa solo pictures, mapapansin din na kasama niya sa pagbabalik si Alexa.

“I’m back. Words can’t explain what a ride this has been. But I can definitely say that I have no regrets because even on the bad days, I learned something valuable that I will always carry. To everyone out there going through the same thing as me, I want to say that I’m proud of you and you deserve all the good things coming your way, I know that it seems hard and the road looks unclear, but I promise that at the end of it all, you’ll find peace. I love you. Thanks, Kuys,” saad niya sa caption ng mga larawan.

Imahe mula sa Instagram account ni KD Estrada
Nagbahagi rin ng videos sa Intagram stories si Alexa kung saan kasama niya si KD. Nag-post din ito ng solo picture mula sa bahay ni Kuya at pinasalamatan ang lahat ng mga taong naging bahagi ng kanyang PBB journey.
“I entered Pinoy Big Brother armed with nothing but my hopes and dreams, and I left the house gaining so much more! Each time I was saved during nominations, I had an inkling that there were people who were rooting for me. But I HAD NO IDEA just how much you all tirelessly moved heaven and earth for me until I finally got out. To say that I am overwhelmed with the outpouring of love is an understatement. Since Day 1, I have done nothing but show my true colors, and I am so very thankful to you for having my back and for loving me—the REAL ME—flaws and struggles and all,” saad niya sa isang lengthy post.

Matatandaang naging makulay pareho ang naging pananatili ng dalawa sa Bahay ni Kuya at marami rin ang nakasaksi sa mga pinagdaanan at pagbabago nila habang nasa loob. Sa bawat pangyayari, nanatili silang dalawa sa isa’t isa bilang matalik na magkaibigan; isang bagay na ikinatuwa ng mga manonood kaya naman nabuo ang fandom ng KDLex. May ibang mga umaasa na mapupunta sa next level ang pagkakaibigan nila. Ang ilan naman ay masaya na sa samahan nila sa kasalukuyan.