Throwback photo ni Kitchie Nadal noong college nagdala ng tuwa sa netizens

Nag-post kamakailan ng isang throwback photo ang singer na si Kitchie Nadal kung saan makikita siya sa isang recording studio noong college days niya; isang litratong nagdala ng tuwa sa mga fan ng OPM icon.

kitchie college

Sa Facebook, ibinahagi ni Kitchie sa maikling caption ng post na college student lamang siya nang kuhanan ang larawang ito.

“Back in the day with 1st band, #Mojofly #1999 #dlsumanila #collegedays,” aniya.

Sa black and white photo na ito, makikita kung gaano pa kabata ang mang-aawit na noon ay nagsisimula pa lamang sa pag-abot ng kanyang pangarap na maging musikera. Bukod sa mga kumento na nagsasabi natutuwa silang makita ang nasabing litrato, mayroon ding mga nagbahagi ng flashback stories at personal experiences nila noong late 1990s at early 2000s.

“That’s around the time I met you,” kumento ng Facebook user na si C. Dinglasan.

“Oh, wow! In 2006, my six-year-old daughter drew you while you were having a concert at the SM City North promoting one of your albums. She bought a CD album of yours, had it autographed by you, and she gave you her impromptu masterpiece,” pagbabahagi ni S. Adalia.

“I remember dreaming of playing guitar for you during my grade school years because of Minamalas, and even up until college, especially after hearing Grace. Always a fan!” wika ni C. Yumul.

Saad naman ni M. R. Dantes, “Birthday album! Noong third year highschool may tape ako. Runaway angel and 1/2 wishing were among my favorites. Very nostalgic.”

kitchie college

Hindi talaga maipagkakaila kung gaano kapopular si Kitchie sa industriya ng musika sa bansa. Sa katunayan, nito lamang ay ikinagulat niya nang malaman na matagal na palang nag-e-exist ang isang manyika na iniwangis sa kanya at kung tawagin ay Kitchie Na Doll.

kitchie college

Ikaw, isa ka ba sa mga fan ng singer na si Kitchie Nadal? Ibahagi sa amin ang kanta niya na hanggang ngayon ay pinakikinggan mo pa!

Post a Comment

Previous Post Next Post