Viral 'Words of Wisdom' ni Michael V, patuloy na 'naghahasik' ng magandang paalala sa netizens

“Maging mabait ka pero ‘wag kang magpapaabuso. Magtiwala ka pero ‘wag kang magpapaloko. Makontento ka sa buhay pero ‘wag kang titigil mapaganda ang buhay mo.”

Patuloy na nakikita sa newsfeed ang mga netizens na nagbabahagi ng inspiring words na binitiwan ni Michael V. Sari-saring social media pages at mga indibidwal ang nagbabahagi ng kanyang mga words of wisdom at ginagawaan pa nga ng ala-meme. Puno kasi ng paalala at aral ang mga tinuturan ng aktor, host, comedian at recording artist na ngayon ay 53 anyos na.

Bagama’t isa siyang tanyag na komedyante, hindi maikakaila na malalim at matalinhaga ang total entertainer na ito. Narito ang ilan sa mga aral ni Bitoy:

Hindi lahat ng tao kapag hiningian mo ng tulong, tutulungan ka.  That’s the reality, pero hindi ibig sabihin nun masamang tao na yung tumanggi sayo magbigay ng tulong, lalo na at financial help ang hinihingi mo.  Kapag may negosyo ang tao hindi automatic mayaman o mapera yan, dahil sa negosyante ang pera nila sa produkto din o ninenegosyo umiikot ang pera, in short walang cash yan lahat halos nasa product.

Despite of all the help you lend to others, being a good one to others, some people will still have the guts to label you as “madamot” just because you didn’t lend any to them.
Wag po natin i-normalize yung ganyang ugali na inoobliga yung hinihingian. Kapag may naitulong thank you, kung wala move on, walang responsibilidad ang tao sayo, that’s a fact not unless magulang siya ng anak mo.

Lahat ng tao may problema sa mundo hindi mo lang alam kasi nakafocus ka sa problema mo. Kaya kapag natanggihan ka, wag magdamdam, intindihin mo din yung taong hinihingian mo ng tulong. At the same time, bago ka manghingi ng tulong, tulungan mo din ang sarili mo, dahil di palagi may ibang tao na tutulong sa iyo.

 

Matuto tayong maging kontento sa buhay. Maging mabait ka pero wag kang papaabuso. Wag ipagkait ‘yung mga bagay na alam mong HIRAM lang. Pag umangat ka, balikan mo ‘yung mga taong humila sa ‘yo pataas, Sila lang ‘yung suklian mo. Pabilibin mo na lang ‘yung mga taong nagsabing wala kang mararating. Mag-focus sa buhay, hindi sa ibang buhay. Mas masarap kasing pag-usapan ‘yung mga plano kaysa sa ibang tao. Matuto kang maging masaya sa desisyon ng iba kasi pinili nila yon dahil dun sila masaya. ‘Wag kang Ampalaya!

Manatili kang maging mabuting tao kahit ‘di sila naging mabuti sa’yo
Tandaan Lalaruin at lalaruin ka ng buhay hanggang sa marunong na tayong sumabay
Higit sa lahat bawal tayo tamarin, wala pa tayong milyon!

Sabi pa niya sa video sa ibaba, “Ang buhay daw para kang nagbibisikleta. Kailangang umandar ka para hindi ka matumba!”

Ang titindi ng mga bitaw niya, ‘di ba? Lodi talaga.

Hindi rin nakapagtataka kung bakit umabot na ng 25 years ang ‘Bubble Gang’. Ang naging objective kasi nila doon ay hindi lang ‘yung magbigay saya sa mga tumatangkilik ng kanilang show kundi ang maging masaya at mag-enjoy rin habang tinatrabaho nila ang mga eksena. Kaya naman naging huge success ang BG.

CLICK image to watch short video clip via Facebook

On Childhood and Maturity

Sa isa niyang vlog sa YouTube, tinalakay din niya ang tungkol sa kabataan at maturity. Ang multitalented na aktor-comedian ay aminadong isa siyang huge fan ng mga laruan at Japanese anime na “Voltes V” at ipinaliwanag niya na hindi dapat hinahayaang mawala ang ‘inner child’ sa bawat isa sa atin.

“Growing up does not have to mean growing old as well ” — isa umano ito sa mga lessons na pinaninindigan niya at ipinapayo rin sa iba. Mapapaisip ka rin siguro sa sinabi niyang “Matanda na tayo kaya hindi na tayo naglalaro pero ang totoo, hindi na tayo naglalaro kaya tayo tumatanda.”

Sabi nga ng isang commenter sa video na si A. J. Ganir: “I’ve said it before and I’ll say it again. Bitoy is one of the few folks out there who’s got the humor, intelligence, wisdom, and heart all in one package!”

Kung hindi mo pa ito napanood, panoorin mo na.

 

Post a Comment

Previous Post Next Post