Yen Santos, Rabiya Mateo, AJ Raval naungusan sina VP Leni at Inday Sara sa 2021 "most googled" female personalities

Inanunsyo ng Google Philippines ang ilang listahan ng top queries sa Google ng mga  Pinoy ngayong 2021.

Kabilang sa mga listahan ay ang Overall Top Trending Searches, News, Olympics, Sports, Shows or Series, Songs or Lyrics, Game-related, Movies, Korean Personalities, Korean Series, Male Personalities at Female Personalities.

Screesnhot of Google page

Sa inilabas na year-end tally report ng pinakamalaking search engine sa buong mundo para sa most searched female personalities ngayong taon ay nanguna ang ilang Pinay actresses.

Nanguna sa listahan si Yen Santos, pangalawa ang beauty queen na si Rabiya Mateo na pumasok na rin sa mundo ng showbiz at ikatlo ang kontrobersyal na young actress na si AJ Raval.

Umingay ang pangalan ni Yen Santos dahil sa mga usap-usapan na may relasyon sila ni Paolo Contis na nakatambal niya sa pelikulang ‘A Faraway Land’.

May mga haka-haka na si Yen umano ang dahilan  ng paghihiwalay ni Palo Contis at ng partner niyang si LJ Reyes, ngunit mariin naman itong itinanggi ng aktor.

Naging matunog naman ang pangalan ni Rabiya nang itanghal siya bilang Miss Universe Philippines na kumatawan sa Pilipinas sa Miss Universe pageant noong Mayo 2020. Kabilang na rin siya sa mga talents ng GMA Network at isa sa leading ladies ni Bong Revilla sa isang teleserye.

Sari-saring intriga naman ang ikinabit kay AJ Raval kaya naging isa ang pangalan niya na madalas hanapin sa Google. Matatandaang kumalat ang balita na karelasyon niya si Aljur Abrenica at Diego Loyzaga.

Composite photos of Yen Santos, Rabiya Mateo and AJ Raval

Kahit umiiwas na sa social media, ipinagpasalamat ni AJ na mapabilang sa “most googled female personalities.”

Dinaig pa ng tatlong nabanggit sina Vice President Leni Robredo na pang lima sa listahan at si Davao City Mayor at presidential daughter Sara Duterte-Carpio na nasa ika-anim na puwesto.

Ang nasa ikaapat na puwesto ay ang Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz; ang kauna-unahang Filipino athlete na nakapag-uwi ng Olympic gold medal para sa Pilipinas.

Sina Bella Poarch, Olivia Rodrigo Hoyeo Jung at Olivia Culpo ang nasa ika-pito hanggang ika-sampu sa listahan ayon sa pagkakasunud-sunod.

Google list of most searched female personalities in the Philippines for 2021

 

Post a Comment

Previous Post Next Post