Umabot sa kabuuang 34 border checkpoints ang itinayo sa palibot ng National Capital Region o Metro Manila upang mabantayan ang pagsunod ng publiko sa minimum health protocols at pigilan ang galaw ng mga taong unvaccinated.

Image from InterAksyon
Ayon kay NCR Police Office na si Lt. Col. Jenny Tecson, nagsasagawa ang mga naturang checkpoints ng visibility patrols at random checking sa mga public transport vehicles kung sumusunod ang mga ito sa 70% capacity ruling at kung ang mga taong naglalabas-masok sa mga establisimyento ay fully vaccinated.
“Tayo po ay nagde-depende naman dun sa mga alituntunin din ng mga siyudad natin at ‘yun ay ina-assist natin sila. Tinutulungan po natin para ma-implement nang maayos dahil ang ating mandato ay matugunan or ma-prevent ’yung pagtaas o paglobo ng ating kaso dito sa Covid-19 at ‘yung kanyang variant na Omicron,” anang opisyal.
Sabi pa ni Lt. Col. Tecson, hinahanapan nila ng vaccination card at valid ID ang mga bumibiyahe.
May pamamaraan umano sila para malaman kung ang vaccination card ay pagmamay-ari ng may dala nito.
Nagbabala siya na mahaharap sa parusa ang gagamit ng mga pekeng vaccination card.

Image from PNA
“The face on one’s ID should also be the same face that appears on the vaccination cards and we have other means, we also have a database that we can check. It’s more on coordination in such situations because in every city, they all want their people to be vaccinated and if they are really fully vaccinated they have a list in the database. Our call is that it is better not to use fake ones because there is a punishment,” aniya.
Ipinaliwanag naman ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang requirement na magpakita ng vaccination card sa mga checkpoint ay isang utos galing kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Pinayuhan ni DILG spokesman Undersecretary Jonathan Malaya ang mga fully vaccinated na palaging dalhin ang kanilang vaccination card upang palampasin sa checkpoints, papasukin sa mga establishments at pasakayin sa public transport vehicles.

Image from PNA