AiAi Delas Alas na-shock sa exhibitionist na katabi sa eroplano

Isang nakaka-shock na insidente ang naranasan ni AiAi Delas Alas nang magtungo siya sa Los Angeles mula sa Washington,Virginia kung saan sila ngayon naninirahan ng asawang si Gerald Sibayan.

Isang lalaking exhibitionist ang nakatabi niya sa upuan sa loob ng eroplano at gumawa ng hindi kanais-nais.

Image from AiAi Delas Alas

Hindi umano niya kasama noon ang asawang si Gerald.

Noong Biyernes, ika-7 ng Enero lumapag ang eroplanong sinakyan niya sa Tom Bradley International Airport sa Los Angeles, California, na galing sa Dulles Airport sa Virginia.

Naantala ang paglabas niya sa paliparan dahil nagsagawa ng imbestigasyon ang Federal Bureau of Investigation hinggil sa nangyari. Ang mga flight attendant ng airline company ang tumayong testigo ni AiAi tungkol sa indecent exposure na ginawa ng lalaking hindi pinangalanan.

Natakot umano siya sa lalaki at biglang tumayo upang magsumbong sa isang flight attendant na noong una ay inakala niyang hindi siya naintindihan.

“Nilalabas niya yung t*t* niya. Natakot ako, bigla akong tumayo, inireklamo ko siya sa flight attendant. Nanginginig ako. Ang akala ko, hindi ako naintindihan ng flight attendant. ‘Yun pala, style niya ‘yun para hindi magkaroon ng commotion,” lahad ng komedyana.

“Nagpalipat ako ng upuan, iyak ako nang iyak. Grabe, parang naawa ako sa sarili ko. Wala kasi si Gerald, solo lang ako bumiyahe,” sabi pa niya.

Dahil inakalang hindi siya naintindihan ng flight attendant ay humingi siya ng tulong sa lalaking katabi sa nilipatan niyang upuan.

Image from AiAi Delas Alas

“Akala ko, hindi na ako tutulungan ng mga flight attendant. So, ‘yung lalakeng katabi ko sa upuan na nilipatan ko at mukhang mabait, inabutan ko ng note na may nakasulat na, ‘Pagbaba natin, puwede po bang tulungan niyo ako kasi pinagtitripan ako ng katabi ko. Natatakot po ako. ‘Yun pala, naintindihan ako ng flight attendants. Nilapitan ako ng isang male flight attendant, from Seat Number 30, pinalipat niya ako sa Seat Number 10,” kuwento pa ni Ai Ai.

Nang mag-landing na ang eroplano ay nag-announce ang piloto na huwag munang bababa ang mga pasahero dahil may aasikasuhin pa raw. Iyon pala ay may mga FBI agents na aakyat para dakpin ang suspek.

Kuwento pa ni AiAi, nakunan niya ng larawan ang suspek dahil bago pa raw mag-take off ang eroplano ay sinabihan siya ni Gerald na mag-selfie para makunan ang litrato ang katabing lalaki na mukha raw “adik-adik.”

“Aba, nang mag-selfie ako, nag-pose din siya! Nagpa-picture din siya kaya may selfie photo kami. Talagang may pakiramdam ako na may something siya dahil sa departure gate pa lang, napansin ko na siya. Gabing-gabi, nakasuot ng shades, at kapag nahuhulog ang cap na suot niya, slowmo ang kanyang kilos. Hirap na hirap siyang damputin ang cap niya,” dagdag pa ni Ai Ai.

Umabot ng isa at kalahating oras ang pagtatanong ng FBI kay AiAi bago siya nakalabas ng airport samantalang ang suspek ay tuluyan nang dinakip sa ginawa na isang federal offense.

Image from AiAi Delas Alas

Post a Comment

Previous Post Next Post