Sana all: Estudyante, nabakunahan na nanalo pa ng house and lot

Mapapa-sana all talaga ang lahat dahil sa suwerteng dumapo sa isang 22-anyos na estudyante sa Santa, ilocos Sur.

Bukod sa mayroon na siyang proteksyon ngayon sa pandemya dahil sa pagpapabakuna ay nanalo pa si Romulo Corpuz ng isang bahay at lupa.

Screenshot from Balitang Amianan video

Nagsisigaw nga raw siya habang nasa loob ng isang grocery store nang mabalitaan niya na siya ang nanalo sa pa-raffle ng kanilang local government unit. Mabilis daw na lumapit sa kanya ang security guard ng establishment para tanungin kung bakit siya sumisigaw.

“Nagsigaw-sigaw po ako kasi blessing na ‘yun. Tapos, tumawag ‘yung security. Tapos tinanong niya kung ano ‘yung sinisigaw ko, tapos sinabi ko na nanalo ako ng house and lot,” masayang sabi ni Romulo sa panayam sa kanya noong December 31, 2021.

Naging emosyonal naman ang ina niya na si nanay Mildred sa suwerteng dumating sa kanila. Excited na raw silang lumipat doon sa napanalunang bahay at lupa.

Kasalukuyan silang nakatira sa housing project ng kanilang munisipyo.

“Blessing na blessing sa Christmas na ito, kasi ‘yung anak ko nanalo sa house and lot. Ay, talagang excited na excited na…” naluluhang sabi ng ginang.

Ginawa umano ng LGU ang raffle bilang paghihikayat sa mga residente nito na magpabakuna na.

Screenshot from Balitang Amianan video

Ayon sa alkalde ng Santa, Ilocos Sur na si Mayor Jesus Bueno , Jr., ang premyo ni Romulo ay bahagi ng lupain na minana niya. Ang bahagi niyon ay pinatayuan ng bahay na siyang napanalunan ng masuwerteng estudyante.

Ngayong buwan ng Enero ay maililipat na raw sa pangalan ni Romulo ang house and lot.

“May namana kaming lupa doon sa site. Portion of that pinatayuan namin ng bahay. By January, ‘yung deed of donation ay mapapasakanya na, “ pahayag ni Mayor Bueno.

Sana raw ay sipagin si Romulo na maging katuwang ng isang barangay doon sa kanilang bayan, lalo na sa youth sector.

Screenshot from Balitang Amianan video

 

Post a Comment

Previous Post Next Post