Alyssa Valdez positibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang volleyball star na si Alyssa Valdez.

Imahe mula sa Instagram | Alyssa Valdez

Sa isang post ay kinumpirma ng kaniyang agency na V Management Group na matapos makaranas ng mild na mga sintomas at sumailalim sa RT-PCR test ay nagpositibo si Alyssa sa virus.

“After experiencing some mild symptoms and a confirmatory RT-PCR test, Alyssa tested positive for COVID-19,” saad nila sa pahayag sa Twitter.

Nagpasalamat naman ang V Management Group sa mga taga-suporta ni Alyssa na nagdarasal para sa kaniyang recovery at tiniyak ding nagpapagaling na siya ngayon sa kaniyang bahay.

“We’d like to thank those who have sent their well-wishes and prayers her way. Please be rest assured that Alyssa is taking the necessary precautions and will be recovering from home,” dagdag pa nila.

Imahe mula sa Instagram | Alyssa Valdez

Panalangin din ng management ni Alyssa ang magandang kalusugan at kaligtasan ng mga Pilipino lalo na ngayong may banta ng omicron variant at patuloy na umaangat ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

“We are one with the rest of the Filipinos in praying for everyone’s good health and safety,” sabi nila.

Samantala, nagpasalamat naman si Alyssa sa mga mensaheng natatanggap mula sa kaniyang fans. “Thank you for the prayers and well wishes! Stay safe, everyone,” aniya sa isang Instagram story.

Imahe mula sa Instagram | Alyssa Valdez

Kamakailan lamang lumabas si Alyssa, ang “Heartstrong Phenom ng Batangas” mula sa Pinoy Big Brother (PBB) house matapos opisyal na mapabilang sa Celebrity Kumunity top 2 kasama ang aktres na si Anji Salvacion.

Patuloy na tumataas ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa. Nitong Biyernes, January 7, ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 21,819 bagong kaso ng COVID-19 kaya naman ang kabuuang active cases ngayon ay 77,369.

Nakataas ang Alert Level 3 hanggang Jan. 15 sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna.

Post a Comment

Previous Post Next Post