'Hindi niya puwedeng iwan ang trabaho bilang nurse': Kevin Santos at asawa balik LDR agad pagkatapos ng kasal

Kung honeymoon at travel goals ang karaniwang kasunod ng kasal, para sa Kapuso actor na si Kevin Santos at sa kanyang asawang si Raphee de los Reyes, isang serye na naman ng LDR o long distance relationship ang naghihintay.

kevin LDR

Mga imahe mula sa Instagram account ni Kevin Santos

Sa panayam sa kanya ng PEP, ibinahagi ng kakakasal pa lamang na si Kevin na hindi rin magtatagal at babalik na ng Australia ang kanyang misis dahil kailangan nitong gampanan ang tungkulin niya roon bilang isang nurse, lalo na at nasa gitna tayo ng pandemya.

“Hindi naman niya kasi puwedeng iwan ang job niya roon,” aniya.

Habang ang aktor naman ay hindi rin maaaring sumama sa kanyang asawa sa ibang bansa dahil may mga bagay din siyang hindi maiwan dito sa Pilipinas.

“Nagso-showbiz pa rin,” wika niya. “And, at the same time, nagti-training pa rin ako sa aviation, sa commercial na siyempre.”

kevin LDR

Imahe mula sa Instagram account ni Kevin Santos

Wika ni Kevin, sa ngayon ay magmamahalan na lamang sila habang magkalayo at matiyagang maghihintay sa tamang panahon para sa wakas ay makapagsama na bilang mag-asawa. Hindi pa rin daw sila nakapagdedesisyon kung siya ang titira ng Australia o kung si Raphee ang dito na sa Pilipinas.

“Nag-decide kami na mag-LDR na lang muna pansamantala. Then, ‘pag okay na ‘yong situation, siguro puwede ako roon at mag-stay doon for good o puwede siyang umuwi rito for good. Depende sa situation,” saad niya. “Hindi natin masasabi kasi siyempre, ako mahal ko rin kasi ang showbiz. Ayoko rin namang iwanan ang showbiz basta basta. So, pag-isipan natin. Depende sa situation. Kung mag-ano naman ang career ko rito sa aviation and, at the same time, binibigyan pa rin tayo ng blessing ni God ng trabaho sa showbiz, why not, ‘di ba?”

kevin LDR

Imahe mula sa Instagram account ni Kevin Santos

Samantala, ayon kay Kevin, bagama’t LDR sila ay ramdam na ramdam niya ang kapanatagan at pagmamahalan sa relasyon nila ni Raphee.

“’Yong na-feel ko sa kanya, first time ko na-feel sa isang babae,” sabi pa nito.

Post a Comment

Previous Post Next Post