Nagsilbing inspirasyon sa maraming netizens ang larawan ng isang batang nag-aaral sa ilalim ng isang puno sa gilid ng isang gusali.
Ibinahagi ang nasabing larawan ni Jefferyl Kae Pandac sa kaniyang Facebook.

Kuwento ni Jefferyl, naispatan niya ang batang lalaking tahimik subalit masusing pinag-aaralan at sinasagutan ang kaniyang modules.
“This boy inspired me today. As classes start, he is working hard to answer his modules under the shade of the acacia tree,” ani Jefferyl.
Napag-alaman niya sa mga guwardiya ng naturang gusali na ang mga magulang ng bata ay nagtatrabaho pala doon bilang parking attendants at hinihintay lang ng bata ang kaniyang nanay at tatay.

Dahil sa kaniyang nalaman, pinuri ng netizen ang batang estudyante sapagkat ipinakikita nito kung gaano kahalaga sa kaniya ang edukasyon at ang panahon.
Aniya, “The guard told me that he is the son of the two parking attendants near the building where I work at. You see, this boy really values education.”
Hangad rin ni Jefferyl ang tagumpay ng bata dahil sa kaniyang dedikasyon sa pag-aaral.

“I hope you become successful someday. Padayon lang sa pagkat-on!” dagdag pa nin Jefferyl.
Ang batang ito sa viral na larawan ay patunay lamang na hindi hadlang ang kalagayan sa buhay upang pagbutihin ang pag-aaral.
Sana nga ay maging inspirasyon siya ng mga kabataan ngayon na magpursige at pahalagahan ang mga sakripisyo at paghihirap ng kanilang mga magulang.