Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang isiwalat ng TV host-actor-politician na si Anjo Yllana ang tunay na dahilan ng kanyang pag-atras sa eleksyon sa darating na Mayo para sa pagka-kongresista ng 4th District ng Camarines Sur.

Image from Anjo Yllana
Sinabi niya na ibinulsa ng “katiwala” niya ang campaign fund niya mula sa isang sponsor na tumutulong sa kanyang kandidatura.
“Unfortunately, ‘yun nga… medyo sabihin na natin para madali, ninakaw ‘yung pera. Monthly kasi, ‘yung sponsor ko, may ibinibigay na budget, hindi ko alam kung magkano eksakto ‘yun. Basta ako, kung ano ang kailangan ko, hinihingi ko,” sabi ni Anjo sa unang panayam sa kanya bago matapos ang taong 2021.
Sinabi pa niya na mag-syota ang binabanggit niyang “katiwala.”
Noong una ay ayaw na sana niyang banggitin ang pangalan ng mag-syota, pero noong January 1 ay tuluyan na niyang pinangalanan ang dalawa sa kanyang Faecebook post na ngayon ay burado na.
Narito ang bahagi ng post ni Anjo:
“I decided to talk to a lawyer and to file a case against Jose Maria Yllana and Abby Viduya who misled me and stole my campaign funds. Ayoko na sana but the way he treats his children bothers me, the way the girl left her husband. I am sure cases from both the mother of their kids and the husband will also be filed,” sabi ni Anjo sa burado nang post.

Image from Filipino News
Itinatanggi umano ng kapatid ang kanyang paratang at ang ikinababahala pa niya ay mas pinaniniwalaan ito ng kanilang ina.
Kung ayaw raw ng kapatid ng court preceedings, hinamon ito ni Anjo na magpa-lie detector test sa Camp Crame.
“Kung ayaw nila ng court proceedings, simple lang kaming tatlo ni Jomari at Abby schedule a lie detector test sa Camp Crame, just to prove to my mom I am telling the truth. Siguro naman, kung ‘di sila guilty, papayag sila sa hamon ko na ito,” hamon ni Anjo kay Jomari at Abby.

Imnage from Truth Verifier Systems, Inc.