Isa sa labinlimang close contacts ni Gwynette Chua na tinaguriang ‘Poblacion Girl’ ay lumantad na sa publiko at nagbigay ng opisyal na pahayag.
Si Carlos Laurel, isang modelo at aspiring politician sa Batangas, ay isa sa kasama ng kontrobersyal na si Poblacion Girl sa isang bar sa Makati.

Image fromP EP
Ilan sa kanilang magkakasama ang nahawa ng covid kay Poblacion girl, subalit masuwerteng hindi siya kasama sa mga iyon.
Sa isang litrato na kuha sa bar ay makikitang katabi ni Carlos si Gwynette Chua.
Narito ang pahayag ni Carlos:
“Ako po ay nag-isolate kaagad noong nalaman ko na nagkaroon ako ng exposure sa isang tao na nag-positive para sa coronavirus. Makalipas ang pitong araw mula sa posibleng exposure date ay nagpa-test agad ako (RT-PCR) at negative ang naging resulta nito.
“Dahil dito, lubos po ang aking pasasalamat sa ating Poong Maykapal at sa kasiyahan na makikita at makakasama kong muli ang ating mga kababayan sa Lungsod ng Tanauan. Aking laging ipinapa-alala ang kahalagahan at ang pagsunod ko sa minimum public health standards at agarang pagbabakuna na siyang nagbigay ng dagdag na proteksyon sa akin.
“Muli, ang inyo pong panalangin, pag-aalala at malasakit ay aking taos-pusong pinahahalagahan. Ramdam ko po ang inyong pagmamahal at buong tiwala sa akin. Isang ligtas at mabiyayang Bagong Taon sa ating lahat”

Image from Philnews
Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), pito sa labinlimang close contacts ni Poblacion Girl ang nagpositibo sa virus at isa sa kanyang secondary contacts ang nahawahan din nito.
“Talaga pong naging superspreader event ang paglabas-pasok ni ‘Poblacion girl’ sa kanyang quarantine hotel,” sabi ni DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya.
Ipinahayag naman ni DILG Secretary Eduardo Año na kakasuhan si Poblacion Girl ng paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Concern Act of 2018 na may multang mula P20,000 hanggang P50,000 o pagkakakulong ng isa hanggang anim na buwan o pareho batay sa desisyon ng korte.
Si Poblacion Girl ay tinatawag ngayon bilang ang “face of omicron” dahil sa ginawa niyang pagtakas sa quarantine hotel para mag-party na sanhi ng pagkakahawa ng maraming taong nakasalamuha niya.

Image from DILG